Tulala, sinasariwa ang naganap kani-kanina lang. Kung alam ko lang na mangyayari to edi sana hindi nalang ako pumunta ng canteen at hindi nakinig sa mga pangdadaldal ni Denver edi sana wala ako ngayon dito sa detention office.
"Mr Forte can you explain what really happen? bakit mo hinipuan ang SSG President." pangatlong tanong niya.
" Hindi ko nga po sinasadya yon" pangatlong sagot ko din.
Bakit ba paulit-ulit ang panot nato. "Sinungaling! talagang nakuha mo pang magsinungaling ha' no. Huy if i know gusto mo lang talaga akong manyakin!" kanina pa tong babaeng to ah. "Baka nga sinadya mo lang yon! kasi type mo ako." tamo to ang kapal ng mukha.
"Assuming mo naman miss."
"Huy manyak! wag ka na ngang sinungaling dyan! sabihin mo yong totoo na gusto mo lang talaga akong manyakin kasi type mo ako!!" pagtataas niya ng boses, hindi pa nakontento pinandilatan pa ako. Napailing nalang ako sa kaniyang inasal. Ibang klaseng babae.
"Miss, kung manghihipo man ako ng babae, sisiguraduhin kong MAS maganda at MAS malaman keysa sayo" tinignan ko siya sa kaniyang hinaharap atsaka nginisian siya "Di hamak na mas malaki pa ang hinaharap ng girlfriend ko keysa sayo ei"
Lumaki ang butas ng ilong niya at tinakpan ang kaniyang hinaharap "Tse!" singhal niya "Ikaw? may girlfriend?" taas kilay niyang sabi—hindi halatang nandidiri pa nga ei. Akala mo naman kung sinong babae nakakainis to ah
Hindi ko sinagot sa halip ay tinignan ko ang Dean. "Sir, mawalang galang na ho. Sinabi kona ang nangyari, hindi niyo nakikita ang itsura ko? ako tong nadehado! sir wala ba akong karapatang mag explain ng sarili ko? Oo inaamin kong nahawakan ko siya sa hinaharap niyang di naman kalakihan—"
"Excuse me!?" paepal pa.
"Kung hindi ba naman ako pinatid edi sana hindi ako madadapa sa harapan niya noh, kaya kung sino ba kasing impakta ang nangpatid sakin kanina sana magka-lbm siya" bulong kona lang sa huli baka mamaya dagdagan pa parusa namin.
"Sige dahil hindi niyo sabihin ang totoong nangyari ay maglilinis kayo sa likod ng isang linggo, walisan niyo doon at siguraduhin niyong malinisan ang pader doon na ginawang drawing book ng mga walang modong mga bata na yon. Kung ano ano ba naman ang sinusulat doon at sa totoo lang nakakapang-init mg dugo." bumuntong-hininga hininga pa si panot at halata sa mukha nito ang panggigil. "Kaya kayong dalawa, bilang parusa niyo gusto kong punasan, pakintabin at ireport sa akin kung sino ang lumalaspangan sa pader doon sa likod."
"Pati ako sir!?" angal pa nong isa. "But sir, you know naman na ako ang nabastos dito—"
"Yes, Miss Charlotte pati ikaw. Atsaka bilang SSG President ay kailangan mo ding panatilihing malinis ang ating paaralan hindi ba? tungkulin din iyan bilang isang pangulo, wag ka mag-alala maging magkaibigan kayo niyan ni Mr Forte." nakangiti pa ang panot at yung isa naman halos hindi na maipinta sa sobrang inis. Kaibigan? "Ew. " nandidiring komento nito na hindi ko naman pinansin. Ang arte binabawi kona ang sinabi ko kaninang maladyosa sya, isa na siyang aswang.
"At ikaw naman Mr Forte." baling ng tingin nito sakin. "Wag mo na ulit siyang hihipuan dapat tayong mga lalaki ang kauna-unang rumespeto sa mga babae, dapat hindi natin sila pinabastos gaya ng ginawa mo." sabi nito na agad naman akong umangal. "Sir Panot ang kulit niyo naman ih sabi ng hindi ko siya hinipuan, hindi ko sinasadya yon. As if naman"
"Ano?! anong panot?" ang kaninang nakangiti niyang mukha ay bigla nalang naging dragon "Kapag narinig ko pa yan sayo di kona ito papalampasin" masamang tingin nito sakin. Nagpeace sign naman ako at napakamot sa ulo, bakit koba naman kasi sinabi yon—sabagay totoo naman kasi yon.
"Sige na, umalis na kayo. Naiirita ako sa inyong dalawa." sabi nito atsaka hinilot pa ang sintunado. Tumayo kaming pareho ni Arte atsaka siya kami nagpaalam.
Paglabas namin ng opisinang iyon ay stranger na ulit kami. Walang salita siyang naglalakad kaya ako din diko din pinapansin. Bakit wala naman akong sasabihin sa kaniya.
Pagdating namin sa corridor ay kaniya-kaniya na kaming daan na tinungo. Sya sa kanan , hindi ko alam kung saan siya pupunta at wala akong pakealam. Ako naman sa kaliwa, ewan ko bakit dito, ang totoo niyan ang laki talaga ng school baka mamaya maligaw pa ako, kaya naisipan kong maglibot-libot nalang, total wala namang pasok ngayon.
Marami pa naman akong nakakasalubong na mga estudyante, lahat sila ay panaka-naka ang tingin sakin animo'y may ginawa akong krimen. Ay tuslukin ko mata niyo ei.
Maraming mga rooms ang nadadaanan ko, hindi kona kailangan sabihin mga numbers room lang naman yun at hindi ko alam kong anong room yon.
Nakakapagod din pala maglakad-lakad sa hinahaba-haba ng nilakad ko ay himalang nakabisado kona ang bawat rooms, alam kona ngayon yong library incase kailangan kong matulog, tsaka laboratory, music club, at marami pang mga rooms. At ngayon ito ang pinakahuling napuntahan ko.
"Tol, kulang tayo ng isang member, pano na yan. Biglang nagquit si Tyler e, ang gago kasi akala mo sa kaniya yung daan tamo di na makalakad"
"Shhh ano kaba yang bunganga mo mamaya ma-misinterpret ka naman ng kung sino makarinig niyan sayo."
Habang papasok ay meron akong narinig na nag-uusap, di ako tsismoso sadyang malakas talaga ang boses nila. Silang tao lang ang nandito. Naglakad ako sa gitna ng gym kung nasaan ang bola, kinuha ko ito. "Ah tol, maglalaro kaba? pasensya kana ha ang sabi kasi ni couch na bawal muna daw magpagamit ng court habang naghahanda—" hindi kona lang siya pinakinggan at drinible ang bola atsaka ko tinignan ang lalaki. "Ganon ba. Sorry ha, gusto ko lang itry kong maayos ba tong ring niyo." matapos kong sabihin yun ay walang-ano ano'y tinira ko ang bola papunta sa ring, at syempre pasok. Napangisi ako, hayst matagal tagal na ding di ako nakahawak ng bola. "Hmm, sa tingin ko ayos naman pala. Sige na iligpit niyo na yan, napadaan lang ako" sabi ko doon sa lalaki.
"Sandali!"
Palabas na sana ako ng gym nang bigla ako nitong hinabol at hinarangan ang daanan ko. "Bakit?" nagtataka kong tanong.
Tila namamangha at sinusukat pa ang tangkad ko,oo pandak siya. Actually hanggang leeg ko lang siya, lumapit din ang isa niyang kasama at tila pinafamiliarize nila ako. "Bago kalang?" tanong nito. Tumango ako bilang tugon.
"Grabe ang tangkad mo! ilan height mo?" namamangha nitong sabi. "Hmm diko alam" kibit balikat kong sagot.
"Bye na, kailangan ko ng umuwe, ayusin niyo na baka gabihin pa kayo" sabi ko bago sila iwan na dalawa na nakatunganga. Problema nila?
Hindi pa man ako tuluyang nakalabas ay may nakasalubong ako. Nagulat siya pero kalauna'y nawala din, tinignan niya lang ako at nilampasan.
"Captain!" yun lang ang narinig ko mula sa loob. Tingin ko siya ang captain ball nila. At tingin ko din ang pinag-uusapan ng dalawa kanina ay tungkol sa basketball. Kahit ano pa yan labas na ako don.