CHAPTER 04

1291 Words
Nakauwe na ako sa bahay. Pagpasok ko sa tarangkahan ng bahay nila Tita ay napansin kung may nakaparadang kotse sa garahe nila, siguro bagong bili yon. Kung hindi niyo natatanong ay may kaya din sila Tita. Mabuti nalang at mabait si Tito kaya pinayagan niyang ampunin nila ako. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay hindi ko inaasahang merong mga bisita sila Tita. Kaya para akong natuod sa kinatatayuan ko, hindi ko alam kong lalabas ba muna ako o papasok sa loob na parang walang nakita. Pero mukhang hindi na kailangan dahil napansin na ako ni Chloe, siya yung panganay ni Tita Milda. Mas matanda siya sakin ng dalawang taon, pero kahit ganon ay hindi siya umaastang mas powers sya kysa sakin ang totoo niyan close kami ni Chloe. "Uy bro, andyan kana pala. Pasok kana ano pang tinutunganga mo dyan. Wag kang mahiya, mga bisita ko sila. Halika na" sabi niya habang may hawak na pitsel at plato na may lamang meryenda. "Sakto pala yung dating mo ei. Meryenda ka muna, bakit ata ang tagal mong umuwe? Wala naman tayong pasok ngayon diba" dagdag pa nitong sabi pagkalapag ng meryenda sa mesa. "Ah sige lang, busog pa ako" sabi ko. Tinaasan lang niya ako ng kilay atsaka ako tinitigan. "Sinungaling, hindi ka kumain kaninang umaga. Atsaka hindi din kita nakita kaninang tanghaling kumain sa canteen, at isa pa. Hindi mo kinuha yung hinanda kung baon kanina na nasa lamesa, iba yung binaon mo, Jev! bakit hindi yun ang dinala mo. " pagalit niyang sabi. Napakamot ulo na lang ako. Ayoko lang kasing binibaby nila ako, lalo na siya. "Ah Ate Chloe, hindi naman sa ayaw ko ang totoo niyan kasi nakalimutan ko lang hehe nasanay kasi ako na ako yung naghahanda ng baon ko, kaya sorry ate" paumanhin ko nalang. Napawewang siya. Habang ang mga bisita niyang mga babae ay nakatingin sakin. Ang totoo niyan kanina kopa sila napapansin, nakakatunaw ang tingin nila lalo pa't ang gaganda nila. Nakakasilaw ang ganda nila. "Chloe, kapatid mo?" bigla namang nagtanong ang isa sa kanila. Yung may salamin sa mata atsaka may bangs din siya,cute niya. "Ah parang ganon na rin, pero hindi. Pinsan ko siya galing probinsiya. Sya si Jevey, kakatransfer lang sa school natin. Be nice to him huh." tugon niya. Tumingin sakin si Ate Chloe atsaka ako inayang umupo muna daw para magmeryenda, tumanggi ako pero makulit talaga siya. Kaya no choice kundi andito ako sa harapan nilang lahat. Actually, lima daw sila pero apat lang sila nasa sala kasama si Ate Chloe. "Pakilala ko muna sila sayo ha, sila yung mga kasama ko sa club ko." tinuro niyang yung cute na nakasalamin, ngumiti ito sakin "Yang nagtanong kanina si Helen yan" "Hello cute boy" bati nito atsaka kumindat. Napayuko naman ako, tila kinilig itlog ko. "Yun naman si Yesha" tinuro niya yung babae na hindi ko masyadong napansin dahil busy ito sa kaniyang gadget, "Hello boy, magkakasundo tayo kapag mahilig ka sa technology" swabe niyang tugon na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. "Hi! Ako si Cherry!" agaw pansin ng isa naman, una kong napansin sa kaniya ay ang blonde hair niyang parang natural. "Natural talaga tong hair ko, hindi blonde." sabi niya. Eh pano niya naman nalaman na iniisip kong blonde hair sya? mind reader ba siya? " Ay hindi ah, naku hindi ako mindreader" hala siya! bigla naman itong tumawa pero yung tawa niya, tawang bungisngis " HAHAHA grabe nakakatawa mukha mo. I'm psychiatrist student kasi kaya medyo maalam akong magbasa ng ekspresyon " sabi niya naman. Shesh nakakatakot pala magsinungaling sa kaniya. Titignan ka palang malalaman na niya iniisip mo "Jane" maikli niyang sabi nang tignan ko siya. "Ah yung isa naman is nasa kusina pa—" hindi pa man natatapos ni Ate Chloe ang sasabihin niya ng may narinig kaming boses babae na galing sa kung saan. "Here' i am! sorry natagalan ha" sabi nito habang papalapit siya na may ngiti sa kaniyang mga mapupula labi. Napalaki ang butas ng ilong ko at hindi makapaniwalang nakikita ko ulit siya. Akala ko talaga hindi kona siya makikita matapos ang engkwentro kanina lang. "Ang tagal mo" sabi ni ate Chloe Ngumiti naman siya ng pagkatamis-tamis habang nilalapag ang pinagyayabang niyang niluto niya hindi pa niya ako napapansin. "Well special kasi yan—what the f**k!? bakit ka nandito!?" napasigaw siya ng makita niya akong makita. Hindi ako nagsalita. Nagtataka naman ang mga kasama niya sa kanya "Anong ginagawa niyan sa bahay niyo Chloe?" turo nito sakin. Para naman siyang baliw na oa. "Kalma kalang Charlotte, he's my cousin. Why? magkakilala na pala kayo, paano?" curious namang tanong ni Ate Chloe na hindi man lang sinagot ni Arte. "Sya ba yung guy na kweninto mo samin kanina?" "Yung humawak sa boobs mo?" Sabat ng mga kasama niya. Aha kwenikwento mo pala ako ha. "What no!?" tanggi pa nito. "What are you talking Yesha! No, he's not. Duh, omygod why are you here—wait what did you just say na pinsan mo siya?? omygod Chloe!" Napailing nalang ako sa kaartehan nya. Halata namang ayaw niya sakin. Kinuha kona lang ang bag kong kani-kanina lang ay nilapag ko sa upuan, "Ate, mamaya na ako magmeryenda baka hindi pa makakain yang kasama niyo sa sobrang pandidiri sakin" parinig kong sabi. Sinadya ko talagang lakasan yon. "Mabuti pa nga" masungit nitong sabi sabay irap sakin. Inirapan ko din siya na mukhang hindi niya yon inaasahan. Akala mo ikaw lang marunong ha. "Omygod did you guys see that? i think he's gay, Chloe is he gay? did you see what he did to me? inirapan niya ako!" Habang paakyat ako ng hagdan ay naririnig ko pa ang pang-iinarte niya. "Alam mo Charlotte napaka oa mo" Napangisi ako sa tumabla sa kaniya "Whatever Jane!" -- Pagpasok ko sa kwarto ay agad akong humiga sa kama. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod ng katawan. 6;50pm na pala, tumunganga ako sa kisame at inisip ang naganap ngayong araw. Grabe unang araw ko palang sobrang dami ko ng naengkwentrong hindi maganda, mukhang curse day ko ata ngayon ah. Tumayo ako atsaka hinubad ang mga damit ko, gusto ko kasing maghalf bath muna bago ako makatulog para hindi amoy pawis ang higaan ko. Nang mapansin ko ang mukha sa salamin nakasabit sa dingding. Buti nalang talaga at hindi napansin ni Ate Chloe ang mga sugat ko. Kung hindi pipingutin niya ang tenga ko at sesermunan tapos aakalain niyang nakipag-away naman ako. Papasok na ako ng banyo nang mapansin kong umilaw ang cellphone ko at tumutunog pa. Palatandaan na may tumatawag. Kinuha ko ito pero tanging numero lang ang nakalagay..Nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba o hindi nalang, pero sa huli ay sinagot kona din. "Hello?" unang bungad nang nasa kabilang linya. "Yes?" halata sa boses ko ang pagtataka. "Hey bro! Ako to si Denver! Hehe i got your number from your enrollment form kanina nong kinuha ko yung contact ni Tita mo, btw magbihis kana on the way na ako sa bahay niyo." nariring ko naman sa kabilang linya ang ingay ng mga busina ng sasakyan. Nakahinga naman ako ng maluwag, akala ko kung sino na. Wait ano daw? "Teka, anong sinasabi mo?" nabigla man ay agad akong naka response sa kaniya. " Nakalimutan muna pinag-usapan natin kanina? Diba sabi sayo susunduin kita, sa ayaw at sa gusto mo pupuntahan na kita dyan. Bye na." " Teka—" What the hell was that? Ano ba yan! Napapabdyak nalang ako sa inis bakit ba parang linta ang lukong yon na dikit ng dikit sa akin, at isa pa— ang totoo niyan kanina pa ako naguguluhan eh, paano kaya siya nakakapagkuha ng personal information galing sa principal office??
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD