CHAPTER 05

1168 Words
“Hi” mukha ni Denver ang bumungad pagbukas ko ng tarangkahan namin. Para siyang model sa suot niya, pormadong-pormado. Lumapit ako sa kaniya “Akala koba sa lamayan tayo pupunta" 7pm nang dumating siya. Kaya madilim nasa labas, pero mabuti nalang at merong mga ilaw sa gilid kaya kahit papaano ay maliwanag parin ang paligid. Ngumiti naman siya "Doon nga, bakit?" "Mukhang hindi eh." iiling ako habang pinagmamasdan ang suot naming dalawa. Nakasimpleng t-shirt lang naman ako at pantalon tsaka nagsapatos na din. Napakamot nalang siya sa ulo nang mapagtantong masyadong oa ang suot niya kumpara sa akin. "Ay naku hayaan muna nga bro! ganito talaga ako pumorma syempre para kahit gabi gwapo parin" nakuha pang magpogi sign. "Bakit magpapaduding kaba sa patay" basag trip ko. "Ako kahit hindi na pumorma pogi parin" sabi ko. Kunwari naman kuno nagulat siya sa sinabi ko pero nagkibit-balikat nalang siya. "Sabagay tama ka naman" sabi niya atsaka siya pumasok sa kotse, eh? problema non. "Tara na bro baka mas lalo tayong gabihin" walang imik akong pumasok sa kotse. Pagpasok ko ay tsaka ko lang napansin na hindi lang pala kaming dalawa ang nandito, andito din si Yesha yung friend ni ate. "Ah kapatid ko yan." narinig kong sambit ni Denver napansin ata niyang napatingin ako sa babae. Gaya ng nakita ko kanina ay abala parin ito sa kaniyang laptop. Habang nasa byahe ay tahimik lang kaming tatlo, naubusan ata ng sasabihin tong kasama namin. Hindi naman matagal ang byahe kaya agad kaming nakarating sa aming paparoonan. Hindi ko nga matandaan ang dinaanan namin kanina. Kasi nga hindi pa ako familiar sa lugar na to. Lumabas na kaming tatlo sa kotse. Kaming dalawa lang pala kasi yung kapatid niya ay naiwan sa loob. Nagtataka naman ako hindi ba siya papasok sa loob? tinignan ko si Denver "Uuwe na daw siya babalikan lang tayo mamaya." tinignan ko siya ng naguguluhan. Akala koba lahat mg students required pumunta? hmm mukhang alam kona kung bakit ako ang sinama niya dito. "Mas gugustuhin nalang niyang gumawa ng mga bagong apps sa laptop niya keysa naman dumalaw sa patay, tara na nga" magtatanong pa sana ako pero nauna na siyang pumasok sa loob kaya sumunod nalang din ako. Pagpasok sa loob ay maraming estudyante ang narito at ang ilan sa kanila ay mga teacher, at mga kamag-anak siguro ni Mrs. Reyes. Hindi ko sila kilala. Agad akong umupo sa tabi ng kasama ko. Habang nakaupo ang iilan sa kanila ay nagbibigay ng abuloy o kung ano-ano pang pamahiin kapag may lamay. Tahimik lang ako sa tabi habang pinagmamasdan ang dalagita na nasa gilid ng upuan, habang may iilan na yumayakap sa kaniya, halata sa itsura nito ang pagkatulala at halatang apektadong-apektado sa nangyari. "Siya si Marisa, siya yung sinabi kong pamangkin ni Mrs. Reyes, madalas ko dati siyang nakikita sa likod ng school natin nong hindi pa patay si Mrs.Reyes." tumango ako nang sagutin ni Denver ang tanong sa aking isipan. "Wala ba siyang mga magulang?" "Wala. Walang nakakaalam kong buhay paba sila o patay na. Wag kana lang muna magtanong dito tsaka nalang" sinagot naman niya ang tanong ko pero halos pabulong na nga lang, siguro ayaw lang niya may makarinig ng sasabihin niya. Tumayo siya kaya sumunod din ako. Lumapit kami sa isang ginang na halatang katatapos lang umiyak dahil sa mugto nitong mga mata. "Condolence po tita. Rest in peace mo kay Mrs. Reyes" malumanay ang boses ni Denver ng sabihin iyon sa ginang. Ngumiti naman ang ginang at tila maiiyak naman ito ngunit pinipigilan lang niya. Ginaya ko din ang ginawa ni Denver baka sabihin niyang pumunta lang ako dito para makikape. "Naku maraming salamat sa inyo ha, mga iho. Ang babait talaga ng mga estudyante ng kapatid ko." nakangiti nitong sabi pero yung mata niya ay halos maluha-luha naman. Agad naman siyang dinamayan ni Denver. "Ang bait po talaga ni Mrs. Reyes siya po ang pinakapaborito kong subject teacher namin. Kung nasaan man po siya ngayon sana maging mapayapa na ang kaniyang kalooban." pang-aalo nito sa ginang. Matapos ang kanilang pag-uusap ay pinaupo na kaming dalawa. Kaya habang nakaupo ay napapansin ko si Denver na busy siya makipag-usap sa kaniyang katabi. Ako naman nabobored na. Bago pa man ako tuluyang mabored ay bigla akong nakaamoy ng matapang na pabango ewan ko kung kanino galing, ang sakit sa ilong. Bago pa man ako magreklamo ay naunahan na ako ng kasama ko. "Ang tapang non para akong masusuntok ah" bulong niya sakin "Ikaw ba yung nagpabango?" dagdag niyang sabi. Umiling ako ni hindi nga ako nagpapabango okay na sakin yung pulbos lang. Luminga-linga ako para hanapin kong kanino yun pero lahat naman sila ay nasa malayo ang pwesto samin, at lahat sila ay mga matatanda atsaka yung mga teenager naman na mga kaschoolmate ko ay nasa kabilang upuan pa. Sa likod at harap namin ay walang nakaupo. Apat lang ata kami dito sa pwesto namin, yung dalawang kausap ni Denver lang ang katabi namin. Hindi ko naman alam kong anong pabango yon. Kasi nga hindi naman talaga ako mahilig sa mga pabango kaya malay koba kong anong brand yun. Mukha nga atang hindi iisang brand na pabango yun ei, kundi lima. Sakit sa ilong naghalo-halo na. Para akong mahihilo. Hindi ko kaya to,hindi ako makatiis kapag ganito naaamoy ko. "Alis na muna ako" paalam ko hindi kona kasi talaga kaya yung amoy non. "San ka pupunta?" "Dyan lang sa labas alangan namang iwan kita dito ni hindi ko nga alam ang daan pauwe samin ei" Hindi kona siya hinintay pang magsalita. Agad akong naglakad palabas ng bahay nila. Buti nalang may garden seat dito sa labas nila kaya dito ko muna naisipang magtambay. Hindi ko alam kong hanggang ilang oras kaming mamalagi dito. Sana pala natulog nalang ako sa bahay at hindi nalang sumama. Maling desisyon talaga na sumama pa ako dito. Dito ako sa madilim pumwesto para walang makapansin sakin. Hindi kasi ako papansin. "Hello? bakit kapa tumatawag sakin! pwede ba wag muna akong tawagan tapos na ang pinapagawa mo sakin!!" Hindi pa man umiinit ang pwet ko bigla naman akong nakarinig ng mga boses. Para itong galit tapos may hapong pagsusumamo ang kaniyang boses. "Nagmamakaawa ako sayo. Lubayan muna ako! hindi kona kaya pang kontrolin tong konsensya ko! kaya pwede ba?! lubayan muna lang ako" Nakita kong babae habang may kausap sa phone. Mahaba ang buhok at nakaputing t-shirt, tas palda na hanggang hita niya. Si Marisa. "Stop calling me." Pagtapos niyang sabihin yon ay agad niya binaba ang kaniyang phone mula sa kaniyang tenga at muling pumasok sa loob. Agad akong napaisip sa narinig ko mula sa kaniya pero mali ang humusga lalo pa't hindi ko naman alam ang pinag-uusapan nila. Hindi kona lang yun inisip. Napatingin ako sa screen ng cellphone ko, may nag text si Denver hinahanap na ako uuwe na daw kami. Nagtext ako na nasa labas na ako. Kung ano man ang narinig ko sana hindi totoo ang iniisip ko. Mali sana ang iniisip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD