CHAPTER 06

1859 Words
Jevey POV Kinabukasan ay maaga akong gumising, nag-ayos ng gamit at kumain ng agahan pagkatapos ay sumabay papasok sa school kay Ate Chloe. Hindi naman alam na sikat pala itong si Ate Chloe. Nabanggit niyang member nga pala siya sa SSG Officer, hindi lang siya member kundi pangalawang pangulo in english vice president. Sabay kaming pumasok sa gate pero nagkahiwalay din kami dahil nasa kabilang building pa ang classroom niya. 2nd year na siya, at nabanggit din niyang magkaklase sila ni Charlotte. Hindi ko nga alam bakit niya yun nabanggit di ko naman tinatanong. Habang paakyat ako patungo sa building namin ay bigla namang may humila sa bag ko kaya muntikan na akong mahulog sa hagdan. "Putek naman! pwede mo namang sabihing sumama ka sakin may gagawin tayo! kailangan mo pa talaga akong hilain?" inis na inis kong sabi kay Arte. Oo, si Maarteng dyosa ang humila. Kung makahila akala mo naman babayaran ako kapag nasira ang bag ko. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Kung makatingin ka parang may balak ka ha. Huy sinasabi ko sayo bata, malalagot ka sakin kapag binastos mo naman" pinandilatan pa niya ako ng mata. "Akala mo naman type kita." balik kong sabi sa kaniya "At isa pa hindi na ako bata." dagdag ko pang sabi, ngumisi lang siya. "Akala ko ba bawal magsibilyan?" pansin ko kasing hindi siya nakauniform, malamang kaya nga nakasibilyan e. "Bawal naman talaga. Ikaw lang naman tong feeling artista na hanggang ngayon hindi mo pa kinukuha ang uniform mo sa office. But i don't care, nakalimutan mo na bang maglilinis ka ngayon? ano ulyanin lang? dalian mo sumama ka sakin kanina pa kita hinihintay" masungit niyang sabi sabay talikod niya di pa nakontento nagflip hair pa. "Sus. Hinihintay mo pala ako, atsaka pano mo nalaman na hindi ko pa kinuha ang uniform ko ei walang namang ibang—" "Are you stupid or what? nakakalimutan mo atang SSG OFFICER ang kausap mo hmm. Kaya kung ako sayo manahimik kana lang pwede?" pagtataray nito. Hindi nalang ako nagsalita. Oo nga naman, sabi ko nga. Habang naglalakad papunta sa likod ng building ay marami kaming nadadaanan na mga estudyante. Ang ilan napapatingin tapos nagtataka, siguro nagtataka sila kung bakit kasama ako ng babaeng to. Mga tsismosa't tsismoso talaga. Hangang sa makarating kami sa likod. Sobrang kalat at madumi. Makalat dahil sa mga dahon na nagsisihulog sa malalaking puno na normal lang naman nangyayari. Madumi kasi yung pader gaya ng sabi ng dean. "What are you waiting for? simulan muna. Ako na ang nagdala ng pamunas para sayo, total ako naman ang nagdala ikaw nalang ang magpunas." tinignan ko siya atsaka tinuro ang sarili. "What do you mean ako lang? ako lang magpupunas lahat yan? wow ha. Kung makautos ka akala mo naman ako lang may parusa dito, ayoko nga! magpunas ka din" reklamo ko. Malamang kahit maganda ka hindi ako magpapadala sa ganyanan mo. "Huy lalaki, for your information." nakapamewang na itong nakaharap sakin habang may hawak na walis tingting. Bagay yun sa kaniya sasakyan niya para lumipad. "Ikaw ang lalaki kaya sayo dapat yang mahirap na trabaho, and you know what kakalinis ko lang ng kuko ko kahapon. Ayoko naman masira to agad noh, mahal kaya ang bayad." maarte nga. "Wala akong pakealam. Nasaan anv sinasabi nilang pantay-pantay? hindi porket babae ka hindi kana magpupunas, magpunas ka din. Total mayaman naman kayo magpalinis ka nalang ulit ng kuko mo matapos to." sabi ko, pinulot ko ang isang punas hindi ko pa binasa atsaka tinapon sa kaniya, buti nasalo niya gamit mukha nga lang niya. "Hala sorry! ikaw naman kasi ang bagal mo kumilos" natatawa ako sa reaksyon niya, parang kulang nalang kakainin niya ako ng buhay, ay please pakain ako pero sa kama pwe! ang landi ko. "I hate you!" galit niyang sigaw, bigla nalang siyang nagwala. Tinapon niya sakin ang hawak niyang walis at bigla nalang itong nagwalk out. Nanlaki ang mata ko. "Huy teka lang! hindi mo madadaan sa pag-iinarte mo babae. Huy ano yan?! mag wa-walk out ka tapos iiwan moko dito? hala ano ka hellow!?" pagsisigaw ko pero ang arte di man lang ako pinansin. Mas dumoble pa ata ang bilis ng lakad niya, muntik pang matapilok. Maarte na nga tatanga-tanga pa. Ayos din ang excuse non ih, mag-iinarte tapos maggagalit-galitan tapos magwa-walk out para lang hindi makapunas ng madumi? literal na maarte, magaya nga din yan sa susunod. Sana pala hindi kona lang tinapon sa kaniya yung punas, malay kobang hindi niya sasaluhin. Ay sinalo naman niya mukha nga lang niya ang sumalo, arte kasi. Napailing nalang ako habang pinagmamasdan ang mga nakasulat sa pader, yung iba nakakatuwa basahin. MAHAL KO SI A CRUSH KITA I LABYU BAWAL UMIHI DITO KASI MAPUPUTULAN KA NG b***t! ANG HOT NG PRESIDENT NATIN! Iilan lang yan sa nababasa kong nakasulat yung iba puro drawing na, ang ginamit pang drawing color. Nag hirap nito tanggalin ei. Tapos yung mga drawing pa nila ay mga pang spg, mga bastos nato. Diin na diin talaga ako sa pagpupunas. Hinubad ko ang t-shirt kong puti, okay lang naman wala namang tao e kaya okay lang siguro. Ilang minuto din ang tinagal ko sa pagpupunas, nakakangalay din. 7:30am ako nagsimula. Sa awa ng puong maykapal ay natapos din ako sa pagpupunas, 8:20am na ng matapos ako. Nagwalis na din ako. Nakakagaan sa pakiramdam habang pinagmamasdan ang natapos ko. Nakaramdam ako ng gutom. Ayoko pa naman sanang pumunta sa canteen. Kasi baka makita ko naman yung tatlong itlog don guguluhin naman nila ako. "Oh!" Paalis na ako nang may nag-abot sakin ng tubig with pagkain. "Oh akala ko ba gutom ka? kunin muna, bago pa magbago ang isip ko. Pasalamat ka mabait ako." taas kilay niyang sabi. Nakatingin lang ako sa kamay niyang may pagkain na nakalahad sa harapan ko. Sa halip na tanggapin ay kinuha kona ang bag kong nasa gilid. At tinalikuran ko siya. Akalain mo yon may awa pa pala siya matapos akong iiwan dito, tsk. Umalis na ako, hindi na ako lumingon sa kaniya. Hindi naman bigdeal talaga sa akin na hindi ako tulungan, pero kasi nakakainis lang. Ang unfair niya. Bahala siya dyan wala akong pakealam sa kaniya. Hindi naman ako natagalan sa paglalakad. Nakarating din agad ako sa classroom namin. Pagpasok sa loob ay napansin ko ang ilan sa mga kaklase ko ang kumpulan nila sa gilid, halos lahat ata sila maliban sa nerd at weirdo kong kaklase na ngayon ko lang napansin. Si Denver naman ay nasa tabing upuan ko. Siya ang seat mate ko. "Oy bro!" tawag nito sakin nang mapansin niya ako. Agad akong lunapit sa kaniya. Hinanap din ng mata ko ang tatlong itlog. "Kung hinahanap mo sila Kilo, wala sila umalis. May emergency kasing naganap kani-kanina lang." tumango naman ako. Diko pa nga tinatanong alam na niya. "Anong meron?" ngayon lang ako nagkaroon ng pake kong anong nangyayari sa paligid ko. "Well, tinitignan lang naman nila ang mga bagong club na sasalihan nila. Ikaw san kaba sasali? baka gusto mong sumali sa dance club? pwede ka doon kahit mukha kang bulate sumayaw, o di kaya'y sa music club naman pwede ka din don kahit di ka marunong magmatugtog ng instrument, o di kaya'y sa board games—" Agad na akong umepal. "Wala. Hindi ako interesado sa ganyan." "Edi isasali nalang kita sa club namin? sa theater! bagay ka doon total may itsura ka naman pero mas lamang nga lang ako, panigurado kapag sumali ka doon maraming mga chix ang mahahakot at kapag nangyari yon marami na ang member ng theater —" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil may pumasok sa classroom namin, tingin ko mga varsity player. Ang nakajersey number 8 ang pumukaw ng atensiyon ko. Siya ang pinakamatangkad sa kanila dagdag mo pa ang maawtoridad niyang tindig. "Anong ginagawa nila dito?" yan din ang tanong ko Denver. "Hello pasensiya na sa abala. Pinayagan kami ng couch namin na kumuha ng isang member sa bawat section. Kaya kung sino man gustong sumali ay makifill-upan nalang po ang form na ibibigay namin. Inuulit ko, yung may interest lang sa basketball ang pwedeng sumali." sabi ng nakajersey number 10. Namumukhaan ko siya. Siya yung nakausap ko sa gym, at yung naka number 8 na jersey naman siya yung sinasabi nilang captain ball. Halos lahat naman ata ng kalalakihan ay binigyan na niya. Akala ko ba yung may interest lang sa basketball ang sasali. "Hi, ikaw yung guy na pumunta nong isang araw sa gym diba?" sabi nito ng makalapit siya. " Magfill-up ka, see you sa try out mamaya. Sayang ang galing mo kung hindi mo ito maipapamalas." matapos niyang sabihin non ay umalis na siya sa harapan ko. "Hay naku, kailangan pa ako nagkainterest na sumali sa ganitong laro. Ikaw ba, Jev sasali ka?" tanong ng katabi ko. Hindi ako sumagot. "Maybe, ewan." kibit-balikat kong tugon. "Naku naman ang gulo mo kausap. Akin na ako na magfill up yan. " sabi nito atsaka kinuha ang papel. "Ay oo pala, ano palang tawag mo sakin? di pa kasi kita narinig na tinawag mo ako sa name ko." heto na naman siya, hindi naman niya ako tatantanan kakadaldal. "Denver" Bigla naman siyang napasimagot. "Bakit ganyan mo banggitin ang pangalan ko? parang robot nakakakilabot tuloy pakinggan." "Ano ba gusto mo?" na sana hindi ko nalang tinanong. Ngumiti siya sakin ng malademonyo. "Babe, call me babe." pagkasabi niya yun ay nagbite lip pa siya tapos yung boses niya pinaliit yung ginaya niya boses ng babae. Pinakyuhan ko siya. "Pinagtritripan mo naman ako" Napahawak naman siya sa braso ko. Sa totoo lang kinikilabutan ako sa ginagawa niya sakin, para na siyang bading. "Parang kailangan lang sinabihan mo akong kakainin mo ako dba?" sabi nito tsaka siya nag beautiful eyes, nong ginawa niya yun parang kamukha niya yung tinderong bading sa kabitbahay nila tita, kainis yon. Hindi ko siya pinansin at dumukdok nalang desk ko. "Babe, why don't you pansin me? are you angry ba? huhu" "Tigilan mo nga, Denver!" "Wews, Denver talaga? Ver or Den nalang! para di ka mahirapan. Btw joke lang yon ha. Baka isipin mong crush kita." sabi niya at bumalik na sa normal. Bipolar? Kinuha na ng ilang varsity player ang mga form. Madali namang tinapos ni Denver yon pati yung sakin sya na din nagsulat, natamad ako e. Habang paalis sila ay napansin ko ang isa sa kanila na masama ang tingin sakin. luh? Titignan niya ako atsaka titingin kay Denver na bumalik naman sa ingame niyang bading-badingan. Baka homophobic? mukha naman kasi talagang bakla tong si Denver ih. Hanggang sa paglabas ay masama parin ang tingin sakin. Oo sakin lang, kasi sakin lang siya nakatingin. Nawala lang ang tingin niya sakin nung makalabas na sila. Tsaka naman tumigil itong si Denver. "Hayst" narinig kong bulong niya. "Buti naman umalis na sila." narinig ko ang sinabi niya pero tingin ko wala akong karapatang magtanong. Nakatingin lang ako sa kaniya ,umaasang makikilala ko siya ng lubusan. Kahit madaldal siya sakin hindi man lang niya nabanggit kung saan siya nakatira, maliban don sa nalaman kong kapatid niyang si Yesha, tapos non wala na. Bakit ganito ako ma-curious sa buhay niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD