“Mang Tonyo, sa condo muna tayo ni Ava.” Utos ni Max sa kanyang driver at kaagad naman nitong sinunod. Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa condo ni Ava. Binuhat niya ito papasok sa loob at sumakay pa siya sa elevator para makarating sa condo nito. “Hmmm, Max dito ka na matulog.” Nakapikit na sambit ni Ava sa kanya habang ibinababa niya ito sa kama. Alam niyang masama ang loob nito sa kanya dahil gusto na nitong magpakasal sila pero ayaw niya dahil hindi niya alam kung kaya ba niyang panindigan ang mas seryosong relasyon nila. Mahal niya si Ava pero nakakarinig na rin siya ng hindi maganda tungkol dito pero ayaw niya itong tanungin. Mas gusto niyang siya ang makaalam ng lahat kung totoo nga ang nalaman niya. “Hindi pwede, kailangan kong umuwi. See you later. Magpahinga ka na.”

