Chapter 42

2166 Words

Max’ POV Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Gusto ko silang sugurin! Gusto kong kunin ang malanding babaeng yun sa kanya! Kitang-kita ko kung paano sila maghalikan sa harapan ko. Kung yung sa picture nila ni Daryl ay labis na ang galit ko kaya nagawa kong ibalik sa kanya ang pagtataksil niya sa akin. Ngayon naman kitang-kita na ng dalawang mata ko ang lantaran niyang panlalaki! Tapos nagpacheck-up pa sila para malaman kung maayos ba siyang magbubuntis ulit. Ibig sabihin talagang may nangyayari na sa dalawang yun! “Max!” Nagulat ako sa malakas na sigaw ni Ava. Kaya napa-preno ako mabuti na lamang at highway ang dinaanan namin at malayo ang kasunod ko na sasakyan. “Ano ba? Car racer ka ba? Bakit ang bilis mong magpatakbo? Gusto mo bang maaksidente tayo?” Galit na sigaw ni Ava

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD