Silvia’s POV Abala ako sa pagtitipa sa keyboard nang may mapansin akong nakatunghay sa akin. Nagulat ako ng mukha ni Max ang bumungad sa akin. Pero sa itsura niya hindi siya galit. Tumayo ako sa upuan upang harapin siya dahil baka kasama niya si Ava at nandito sila para sa wedding gown. Ngunit napansin ko ang ayos niya at ang nakakuyom niyang kamao. Nagtagal doon ang mga mata ko nang makita ko na may mga bahid ito ng dugo. May mga talsik din sa suot niyang polo. “A-Anong ginagawa mo dito?” Kinakabahan na tanong ko sa kanya. May dugo siya sa damit at sa kamao ibig sabihin may nangyaring masama pero bakit siya nandito? “S-Silvia…alam ko na ang lahat at nandito ako para humingi ng tawad.” Sambit niya na ikinagulat ko. Pero hindi ako nagpahalata na hindi ko inaasahang yun ang sasabihin ni

