Nakatingin ako sa blue ocean mula dito sa Surf side hotel balcony. Dito kami tumuloy pagdating namin sa North Carolina. Simple lang ang hotel. Nasa fourth floor kami kaya kitang-kita ko ang ganda ng Blue Ocean at white sand ng Cape Hatteras seashore. Maganda at malamig din ang panahon kaya parang ang sarap maglaro sa buhangin. Akala ko sa Pilipinas lang maraming magagandang tanawin pero hindi ko akalain na makakapunta ako sa ganito kagandang lugar. Perfect for vacations lalo na sa mga couples na gustong mag-unwind. Mamayang gabi ang kasal namin ni Henry. Mamayang gabi hindi na ako si Mrs. Licarpio. Dahil magiging asawa na ako ni Henry. At ito na rin ang umpisa nang panibago kong buhay kasama siya. “Love?” Napalingon ako sa likod ko nang marinig ko ang pagtawag ni Henry. “Nagustuhan m

