Pagdating ko sa hospital at ganun pa rin ang kalagayan ni Max. Walang pinagbago sa kahapon. Halos magdadalawang linggo na rin mula ng binabantayan ko siya at inalaagaan. Napanghihinaan na rin ako ng loob. Nahihirapan din akong akong makita siya sa ganung kalagayan. Kaya mabigat din sa akin sa tuwing umaalis ako sa tabi niya at bumabalik. Napaupo ako sa upuan na nasa tabi ng kama niya. “Max, I’m sorry kung hindi na kita mababantayan pa. Naisip ko kasing habang nandito ako at inaalagaan kita. Baka nasasaktan ko na si Henry. Baka kaya nagkakaroon kami ng problema dahil sa ginagawa kong ito. Kahit na siya ang nagsabing gawin ko ito alam ko sa loob-loob niya ayaw niya. Pero sinubukan ko dahil akala ko maintindihan niya ako hangang sa huli. Pero nagkamali ako, sarili ko lang ang iniisip ko a

