Silvia’s POV Akala ko ay magigising na si Max. Dahil gumalaw na ang kanyang daliri pero nagkamali ako. Sabi nang Doctor normal lang daw yun sa isang coma patient sa ngayon ay normal na ulit ang heart rate niya. At stable na ulit ang kanyang lagay. Kaya nakahinga na rin ako ng maluwag. Lumapit ako sa kanya at payapa parin siyang natutulog. “Max? Gumising ka na please.” Nakikiusap na sabi ko sa kanya. Kahit malaki ang naging kasalanan niya sa akin ay hindi ko parin mapigilan ang sarili kong patawarin siya. Ganun talaga siguro kapag gusto mo nang lumuwag yung nararamdaman mo. Kailangan mo din magpatawad kahit mahirap. At isa pa totoong nag-alala ako sa kanya. Hindi man naging maganda ang ending ng pagsasama naming dalawa minahal ko pa rin siya. At mahalaga pa rin siya sa akin. Kinahapuna

