Silvia’s POV Kinabukasan ay hindi na ako pinapasok ni Henry sa halip ay hinatid niya ako sa hospital dahil yun ang sinabi niya sa akin kagabi. Hindi ko naman ipipilit kung ayaw niya eh. Ngunit siya na mismo ang natulak sa akin na gawin ang gusto ng Mama ni Max. Pero sa kanya parin ako uuwi at susunduin niya ako. “See you later.” Paalam niya sa akin at umalis na rin ang kotse niya. Umakyat ako sa room upang puntahan ang kwarto niya pero hindi ko inaasahan na makikita ko si Ava. Rinig na rinig ko ang sagutan nila ni Mary at taga-pigil naman si Mama at si Ate Maricel sa kanila. “Umalis ka na dito! Ikaw ang may kasalanan kung bakit nasira ang pagsasama nila Ate Silvia at Kuya Max! At ikaw din ang may kasalanan kung bakit ayaw na ni Ate na bumalik sa kanya!” “Hindi ako ang may kasalanan!

