Silvia’s POV Para akong naitulos sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang masamang balita tungkol sa kanya. Nandito kami sa office ng Doctor ni Max at ipinapaliwanag niya sa amin ang nangyari. Maswerteng niyang nalagpasan ang critical niyang lagay kanina. Ngunit nalagpasan nga niya ang kamatayan mas nakakapanlumo na malamang nasa vegetative state siya. Dahil sa head injury niya at tuluyan na siyang na-comma. Posible pa rin daw na magmulat siya ng mata. Pero hindi siya makakapagsalita or magre-response sa mga tao sa paligid niya. At ang mas masakit hindi alam ng Doctor kung hangang kailan siya magiging ganito ang kalagayan niya. Pagkalabas namin sa office ni Doc. Ay nagulat na lamang ako nang lumuhod si Mama sa akin. Pilit ko siyang tinatayo ngunit ayaw niyang makinig. “Ma, please wa

