“Sit down.” Utos niya nang makapasok na ako. Saka ko pa lamang napansin ang pagkain sa ibabaw ng mesa sa receiving area niya. “A-ah Sir? Pwede naman po akong sumabay kumain kay Anna.” Pagdadahilan ko. Pakiramdam ko kasi hindi na tama ang mga nangyayari. Tapos iniisip ko pa rin ang sinabi ni Anna sa akin kanina. “Malungkot kumain mag-isa kaya kung pwede sana sabayan mo ako.” Senserong sabi niya sa akin. Ang hirap tangihan ng taong nakikiusap. Humakbang ako palapit sa kanya at umupo sa tapat niya. “Hindi ko alam kung anong gusto mo kaya tatlong dish ang inorder ko. Let’s eat.” Nakangiting sabi niya sa akin. Nahihiyang dinampot ko ang kutsara at tinidor. Siya naman ay maganang kumain. Nagsalo kami na parang magkaibigan nilalagyan pa niya ako sa plato ko ng pagkain. Kahit sinasabi kong a

