“Hi, Good morning sir. Pinatawag niyo daw po ako?” Tanong ng isang babaeng kakapasok pa lamang sa office niya. Nabaling ang tingin niya sa akin at ngumiti ako sa kanya. Sa tingin ko ay magkasing edad lang kami at maganda din siya. Pero may katangkaran lang ako ng kaunti. “Yes, Anna. I want you to meet Silvia. She’s now working here in ‘Fabulous Fabrics’. I want you to teach her everything that you know. Alam mo naman na promoted ka na next week at siya ang napili ko na papalit sa’yo.” Wika ni Hershey sa kanya. Hindi ko inasahan na secretary pala ang magiging trabaho ko sa kanya. Akala ko kasi patuturuan niya akong magtahi ng damit. Lumapit si Anna sa akin at nagpakilala. Inabot ko rin ang kamay niya para makapag-shake hands kaming dalawa. “Halika, ituturo ko sa’yo ang lahat ng gagawin

