Chapter 4

1440 Words
“Hi, Max busy ka ba tonight?" "Anong kailangan mo? Diba sabi ko sa’yo wag ka nang tatawag kapag nasa bahay ako?” Inis na saway ni Max sa kanya. “Eh ano naman? Wala naman tayong ginagawang masama Max. Bakit? Nagagalit ba ang praning mong asawa? Paano na lang kapag inagaw kitang muli baka ikandado ka na niyan sa bahay niyo.” Litanya ni Ava sa kanya. Napabuntong hininga na lamang si Max dahil sa kakulitan ni Ava. Bago maging sila ni Silvia ay nauna niya itong maging girlfriend kaya lang nakipag-hiwalay na siya dito dahil nahulog ang loob niya kay Silvia na noon ay naninilbihan sa kanila bilang katulong nila. Bukod doon ay masyadong demanding at maarte si Ava sa lahat ng bagay. Anak kasi ito ng isa sa pinakamayamang investor nila kaya lumaking maluho. Hindi kagaya ni Silvia na bukod sa pagiging simple at mabait ay maalaga pa ito walang hinihingi sa kanya kundi oras lang niya. “Please Ava…ayokong mag-away na naman kami ni Silvia kaya wag ka ng tatawag dito okay?” “Max, hindi ako tumawag dito para sa’yo. Si Dad ang nagsabi na baka daw makalimutan mo yung dinner meeting niyo with Mr. Montero. Alam mo naman na busy din yun diba? So be sure na makakarating ka sa pinag-usapang meeting okay? Sige na, I have to go baka nakikinig pa yang asawa mo ma-praning na naman.” Hindi pa siya nakakasagot ay pinatayan na siya ng phone. Muntik na niyang makalimutan na ngayon nga pala ang dating ni Mr. Montero at kailangan niyang pumunta sa Japanese restaurant mamayang gabi. Pero mas inalala niya si Silvia. Baka kung ano na naman ang isipin nito. Sigurado kasi siya na sasama si Ava sa meeting at hindi naman niya ito pwedeng isama. Abala si Silvia sa loob ng kwarto nang pumasok si Max. Katatapos lang nitong gawin ang lahat ng trabaho na kailangan niyang asikasuhin. “Bakit siya tumawag?” Bungad sa kanya habang inaayos niya ang mga damit na pang opisina ni Max sa cabinet. “Ah, kasi may dinner kami mamaya with Mr. Montero.” Tumigil siya sa pag-aayos ng damit at tumingin kay Max. Nakaupo na ito sa sofa at nakatingin din sa kanya. “Ibig mong sabihin hindi ka dito kakain mamayang gabi?” Tanong niya. “It’s okay hon, hindi na lamang ako kakain ng mada—” “Ilang beses mo na yang sinabi Max. Pero ilang beses na din hindi mo tinutupad ang pangako ko. Pwede naman siguro akong sumama sa’yo.” “Hon, alam mo naman na importante ang negosyo. Kaya sana naintindihan mo kung minsan ay hindi kita nasasamahan.” Lumapit si Silvia sa kanya at umupo sa gilid ng kama magkatapat lang silang dalawa at hindi inaalis ang tingin sa isa’t-isa. “Alam kong mahalaga ang negosyo Max, don’t get me wrong ang gusto ko lamang naman hatian mo ako ng oras mo. Alam mo ba kung gaano ako nalulungkot dito? Mag-isa lang ako sa malaking bahay na ito. Palagi kang lumalabas ng bansa pero ako nandito nag-aantay pa rin sa’yo.” Puno ng hinanakit niyang pahayag. Ayaw niya kasing mangako na naman ito tapos hindi na naman matutupad. Napabuntong hininga si Max at tumayo mula sa kinauupuan niya. Lumapit siya kay Silvia at tumabi dito. Hinawakan niya ang kamay ng nito. “Silvia, I love you kaya kita pinakasalan kasi mahal kita. At lahat ng ito ginagawa ko para sa’yo. Alam ko marami akong pagkukulang sa’yo alam mo naman na matanda na si Daddy para sa kompaniya. Wag kang mag-alala kapag naayos na ang mga kontrata ko ngayon buwan ay magbabakasyon tayo.” Nag-iwas siya ng tingin. Kinuha niya ang kanyang kamay at nagpasyang humiga na lamang sa kama. “Bakasyon? Pangako na naman…tapos hindi na naman matutupad. Kung ako sa’yo gawin mo na lang Max. Ayoko na kasing maniwala sa’yo kaya mas mabuti pang ipakita mo na lamang na babawi ka sa akin.” Naramdaman niya ang pagyakap nito mula sa likuran at isiksik ang kanyang mukha sa leeg ni Silvia. “I’m sorry hon, hindi na ako mangangako. Mas mabuti pa sumama ka na rin mamaya sa dinner meeting namin.” Wika ni Max na ikinalingon niya. “Isasama mo ako? Sigurado ka ba diyan?” Hindi makapaniwalang tanong niya dito. Tumango na lamang si Max. Dahil baka magtampo na naman siya kapag hindi niya ito isinama. Kinagabihan ay naghanda na siya ng susuotin isang simpleng black dress na lagpas sa kanyang tuhod at may raffles sa mangas, may zipper din ito sa harapan. Nagsuot din siya ng flat white shoes at kumuha ng kulay puting purse bago bumaba dahil kanina pa naunang bumaba si Max at inaantay na lamang siyang matapos sa kanyang manipis na pag mamake-up. Nakalugay lang ang hangang beywang niyang buhok. “Wow! Ang ganda naman ng honey ko.” Puri niya dito na ikinangiti niya. Maganda naman talaga siya at mas lumilitaw pa ang ganda nito kapag umaalis sila ni Max at nagdadate dahil saka pa lamang siya nakakapagbihis ng magandang damit at nakakapaglagay ng make-up. “Wag mo na akong bolahin Max, tara na baka nag-iintay na yung ka-meeting mo.” Pinagbuksan siya nito ng pintuan sa passenger seat at pagkatapos ay sumakay na rin siya. Mahigpit na hawak ni Max ang kanyang kamay hangang makababa sila sa Japanese restaurant na usapan nila ni Mr. Montero. “Okay na ba talaga itong suot ko Hon?” Nahihiya niyang tanong kay Max na ikinatango lang nito. Pagkatapos buksan ng driver ang pinto ay nauna na siyang lumabas at inalalayan siya sa pagbaba. Nakangiti pero kinakabahan niyang inabot ang kamay ni Max. At pagkapasok nila sa restaurant ay kaagad silang nilapitan ng assistant upang dalhin kung saan nagpareserve si Mr. Castillio ang Ama ni Ava. “Thank you.” Wika ni Max bago umalis ang naghatid sa amin. Pagpasok nila sa VIP room ay mukha agad ni Ava ang bumungad sa kanya. Matalim ang mga matang ipinukol niya sa kanya. Pero hindi na lamang niya pinapansin. “Mr. Montero nice meeting you.” Napatingin siya sa lalaking binati ni Max. Akala niya ay matandang lalaki ang ka-meeting niya. Pero hindi pala parang kasing edad lang din siya ni Max. At halatang negosyante din dahil sa suot na three peace suit. “Nice meeting you Mr. Licarpio.” Napatingin siya sa kanya at naiilang siyang napayuko. “This is my wife Silvia.” Pakilala niya sa kanya kaya muling nag-angat siya ng tingin at sinalubong ang kanyang mga mata. “Hi, I’m Mr. Drake Montero.” Nakangiting pakilala niya. Tinangap naman niya ang kamay nito dahil nahiya naman siyang tangihan yun. “Hi, Max.” Bati sa kanya ni Ava at agad na nilapitan ang kanyang asawa. Nagulat na lamang siya dahil nakipag beso-beso pa siya kay Max pagkatapos ay sinulyapan siya sabay ngisi niya. “Maupo na kayo Max.” Sabi ng Ama ni Ava kaya kaagad naman siyang pinaghila ng upuan ni Max. Nasa tabi niya si Max at nasa tapat naman niya si Mr. Montero at si Ava. Habang nasa dulo naman si Mr. Castillio. “By the way nagpahanda na kami ni Daddy ng masarap na food kaya lang baka hindi yun magustuhan ng asawa mo.” Wika ni Ava kaya napunta sa kanya ang tingin niya. May kakaiba talaga sa babaeng ito. Kanina pa kasi niya sinusulyapan si Max at ang lagkit pa ng kanyang tingin dito. “Kukuha na lamang ako ng menu siya na lamang papiliin ko.” Sagot ni Max sabay pisil sa kamay niya na nasa hita niya at kanina pa niya hawak. “Bakit ka pala sumama dito? Alam mo ba ang agenda sa meeting ngayon?” “Ava…” Saway ng kanyang Ama sa kanya na ikinasimagot niya. “Pagpasensyahan niyo na ang anak ko.” “That’s okay Mr. Castillio. Sinama ko si Silvia dahil asawa ko siya at kailangan ko siya sa meeting. Hindi rin naman kasi makakarating yung secretary ko kaya siya na lamang ang sinama ko.” “What? Kailangan mo siya dito? Why? Wala naman siyang alam sa negosyo hindi ba?” “Ava!” Ma-authoridad na saway ng kanyang Ama. “Okay lang po Mr. Castillio. Sa labas na lamang ako kakain para hindi nakakaabala sa meeting niyo.” Akmang tatayo na sana siya pero hinila ni Max ang kamay niya. Nagbabantang tinignan niya ito. Umupo siyang muli at alam na niyang ayaw ni Max na lumabas siya. “Pumunta tayo dito para sa negosyo. Sana naman itabi muna ang mga mis-understanding ninyo.” Sabat ni Mr. Montero na nagpatahimik kay Ava.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD