Chapter 3

1154 Words
Kagaya ng pinangako ni Max ay lumabas silang dalawa. Nagkataon na linggo din kaya dumaan na rin sila sa simbahan upang makapagnilay-nilay. Yun kasi ang laging ginagawa ni Silvia tuwing linggo o hindi kaya humaharap siya sa mabigat na problema. Pakiramdam niya gumagaan ang kanyang nararamdaman kapag nagdadasal siya ng taimtim at nakikipag-usap sa panginoon. Gusto na rin niyang ipagpasalamat dahil kahit madami silang hindi pagkakaunawaan na mag-asawa ay nagagawa pa rin nilang patawarin ang isa’t-isa. Nakaupo sila sa gitna ng upuan at tahimik na pumikit si Silvia. Ipinagdasal niya na sana ay bigyan sila muli ng anak. Alam niyang walang imposible kapag nanalig ka. At hindi siya susuko hanga't pwede pa siyang mabuntis ay gagawin niya ang lahat para sa magiging anak niya. Para sa pamilya nila ni Max. At gusto din niyang bigyan ng kaligayahan si Max. Magkahawak kamay silang lumabas sa simbahan. Nakita nila ang mga bata na nasa gilid ng hagdan at humingi ng kaunting tulong. Maliliit pa ang mga ito at hindi sila dapat nasa lansangan. Nilapitan agad ni Silvia ang mga bata at binigyan ng perang papel. Nagulat ang mga bata sa binigay ni Silvia at nagpasalamat pa ang mga ito. Inaabutan siya ng hawak na sampagita at kandila pero hindi niya yun tinangap. “Hon, lets go. Kakain pa tayo.” Tawag ni Max. Kaagad naman siyang humawak sa kamay nito. “Hindi lahat pinalad na magkaroon ng anak. Pero ang mas masaklap nagkaroon ka nga ng anak hindi mo naman maibigay ang tamang pagkalinga at pangangailangan nila.” Sambit ni Max. Naiintindihan niya ito dahil dinanas din niya ang kahirapan na nararanasan ng ibang bata. Kung ang ibang bata ay masayang naglalaro kasama ang mga pinsan at kapitbahay siya naman ay tumutulong sa kanyang nanay upang magtinda at maglako ng gulay. Pero hindi niya ito kinakahiya dahil doon sila nabubuhay. Kung hindi magtitinda ang kanyang Ina ay wala siyang maibabaon sa paaralan. Maaga kasing pumanaw ang Ama niya at namatay na din ang kanyang Ina kaya namasukan siyang katulong sa bahay nila Max. Doon nag-umpisa ang kanilang pagmamahalan. Mabait din ang mga magulang nito at kahit kailan ay hindi nila hinadlangan ang kanilang relasyon. Hangang sa tuluyan na niyang sagutin ito at nagpakasal silang dalawa. Para malayo sa pangungutya ng iba dahil sa langit at lupa nilang antas ay bumukod sila ng tirahan pagkatapos nilang magpakasal. Kaya mahal na mahal niya si Max dahil kahit kailan ay hindi nito pinakita na isa lang siyang hamak na mahirap. Kahit sa loob-loob niya ay nahihiya parin siya lalo na kapag uma-attend sila ng mga pagtitipon. Alam niya kasi kung saan siya nangaling at pakiramdam niya ay hindi siya nababagay sa mga mayayaman. Tanging kay Max lang niya nararamdaman na pwede siyang ipagmalaki bilang maybahay kaya lahat ay ginagawa niya para sa asawa. Napatingin siyang muli sa mga bata. Halata ang saya nila siguro dahil malalamnan na din ng pagkain ang kanilang sikmura. “Masaya na ako kahit paano nakatulong ako Max. Isasama ko na lamang sila sa dasal ko na sana ay bigyan sila ng maayos na buhay paglaki nila.” Pagdating nila sa restaurant kay kaagad na nag-order ng lunch si Max. Alam na rin kasi nito ang gusto ni Silvia kapag dito sila kumakain. Ilang minuto pa ay dumating na agad ang roasted chicken at salad na inorder nila may kasama itong mash potato at special gravy. Natatakam na tinignan ni Silvia ang pagkain na nasa harapan nila. Matagal na rin nang muli silang lumabas at makakain sa restaurant na paborito nilang kainan. “Bakit ayaw mong subukan ang ibang putahe dito?” Tanong sa kanya ni Max habang pinagmamasdan siyang ngumuya. “Wala lang, masarap kasi balik-balikan ang lasa nitong chicken. Kung pwede ko nga lang makuha ang marinate nito ay gagawin ko din ito sa bahay.” Sagot sa kanya ni Silvia. “Para ka tuloy naglilihi” Wala sa loob na sambit ni Max. Napatigil sa pagnguya si Silvia at inilapag ang kinakain niyang manok sa plato. “I’m sorry.” Wika ni Max nang ma-realize niya ang pagkakamali niya. “Max, kung gusto mong magka-anak mag-ampon na—“ “No,” Putol niya sa sasabihin nito. “Pwede din naman tayong kumuha ng surrogate mo—“ “Silvia please!” Napalakas ang boses niya dahil sa sinabi ni Silvia. Napatingin sa kanila ang ibang kumakain na naroroon. Kaya tumahimik na sila. Nawalan ng gana si Silvia kaya hindi niya naubos ang inorder nilang pagkain. Ganun din si Max na tinikman lang ng kaunti ang inorder nila at hindi na sila nag-usap pa. Dahil mauuwi sa away ang palitan nila ng salita kanina. Hanggang makarating sila sa bahay ay wala pa ring gustong magsalita sa kanilang dalawa. “I’m sorry if I failed you.” Nangingilid ang luha na wika ni Silvia habang nakaupo sa gilid ng kama. Napabuntong hininga si Max habang nagtatangal ng butones sa damit niya. “Silvia, bata pa naman tayo, kaya pa natin subukan. Ayoko sa choices mo. I can’t believe na maririnig ko yun mula sa’yo. Gusto mong mag-ampon tayo? Gusto mong ibang babae ang maglabas ng anak natin? Silvia naman….” Naiinis na sabi ni Max sa kanya. “Gusto na kitang bigyan ng anak Max. Kaya lang natatakot ako baka maulit-ulit ang nangyari.” Garalgal na boses ni Silvia. Nakagat niya ang ibabang labi pero hindi niya parin napigilan ang maiyak. “Silvia, ipagkakaloob din sa atin ng diyos yun. Sa ngayon ay wala tayong magagawa kundi mag-intay. Okay?” Sambit ni Max at muli siyang hinalikan sa noo. Nagbihis ito ng simpleng t-shirt at maong na short. “Magpahinga ka muna, may tatapusin lang akong trabaho sa office. Saka na natin pag-usapan yan.” Wika ni Max at iniwanan na siya. Lumabas ito ng kwarto at nagtungo sa katabing kwarto kung nasaan ang office nito sa bahay. “Max….” Naiiling na sambit ni Silvia. Kasama nga niya ito pero trabaho pa rin ang bukang bibig nito imbis na pag-usapan nila ng maayos ang problema ay umiiwas ito dahil mauuwi lang sila sa pag-aaway. Napahilamos sa mukha si Max ng makarating siya sa opisina. Kapag hindi pa siya umalis sa kwarto ay mahabang pagtatalo na naman ang mangyayari. Napakahirap pa naman amuhin ni Silvia. Naapektuhan din ang trabaho niya kapag nag-aaway silang dalawa kaya pinipilit niyang intindihin ito. Binuksan niya ang kanyang laptop at tahimik na nagtipa dahil maraming pumasok na e-mail sa kanya. Maya-maya pa ay sunod-sunod na katok mula sa pinto ang nagpakunot ng noo niya. Ayaw niya kasing naabala kapag nagtatrabaho siya. “Max, may tawag ka. Naiwan kasi ang phone mo sa kwarto.” Wika ni Silvia na binuksan ang pinto. “Sino daw?” Kunot noo na tanong niya. “Si Ava…” Malamig na tugon ni Silvia bago ilapag ang cellphone sa ibabaw ng mesa niya. Pagkatapos ay tumalikod na ‘to at lumabas sa pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD