Sumisilay na ang araw nang magising ako. Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang sunod-sunod na pag-ring ng phone ko. Kaagad kong dinampot sa ibabaw ng side table. “Hello?” “Hon? Maaga ka bang nakatulog kagabi? Tawag ako ng tawag pero hindi ka sumasagot.” Inalala ko ang nangyari kagabi. Ang huli ko kasing naalala ay sa sofa na ako nakatulog. “A-ah sorry Hon, maaga ako nakatulog. Naka silent pa ang phone ko kaya hindi ko alam na tumawag ka pala.” Kinakabahan na sagot ko sa kanya. Narinig ko siyang bumuntong hininga sa kabilang linya. “By the way hon, nakita mo na ba yung passport mo? Magiging busy ako for one week pero kapag nagka free time ako tatawagan kita okay?” “Hindi pa eh, pero hinahanap ko pa rin. I understand na busy ka ipapaalam ko agad sa’yo kapag nakita.” “

