“May sabit? You mean, may girlfriend na ang nagugusto mong ligawan?” Hindi makapaniwala na tanong ni Mary. Hindi man ako nakatingin sa kanila dahil abala ako sa pag-inom ng juice ko na ngayon ko pa lang natitikman. Natutuwa kasi ako dahil color blue ang kulay at naglalaro si dila ko ang kanyang lasa. Matamis, masarap at medyo mapakla habang pumapapak ng nilagang mani at nakikinig sa usapan nila. “Hindi girlfriend…kundi may asawa na siya.” Napagawi ang tingin ko sa kanya nang sabihin niya yun. Kaya pala wala pa siyang girlfriend dahil imposible pala na maging sila ng babaeng gusto niya at may asawa na pala ito. Sakto namang nagtama ang mata naming dalawa. Ilang segundo rin siguro siyang nakatingin sa akin at ako na mismo ang umiwas ng tingin. “May asawa na pala eh, bakit ayaw mo pang

