Nagpasya akong matulog sa kwarto ng mga anak namin nang may bigat sa dibdib. Ayoko sa nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko kasi bumabalik na naman ang sakit nang gawin to sa akin ni Max at Ava noon. Hindi ko naman siya pwedeng tanungin dahil lasing na siya at natutulog na rin siya. Pero kung tatanungin ko naman siya bukas baka itanggi lang din niya ito. Pero ayokong isipin na niloloko ulit niya ako. Kaya ko siya binigyan ng pagkakataon dahil naniniwala akong na kaya niyang magbago. Lalo pa ngayon may mga anak na kaming matagal na naming hiniling sa diyos. Pero bakit hindi ako mapalagay? Paano kung totoo pala ang hinala ko? Anong gagawin ko? Paano ang mga anak namin? Nagising ako dahil may naramdaman akong umupo sa tabi ko. Pagdilat ko ay mukha ni Max ang bumungad sa akin. Nakabihis na s

