Pagbukas ko ng pinto ay siya namang pagharap sa akin ni Max. Seryoso ang kanyang mukha at nakikita ko na agad ang galit sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat ng nangyari pero wala na talaga akong choice kundi sabihin sa kanya ang lahat. Dahan-dahan kong sinara ang pinto at kaagad akong lumapit sa kanya. “Saan ka nangaling? Bakit ka umalis?” Seryosong tanong niya sa akin. Ibinaba ko ang bag ko at humarap ako sa kanya. “I’m sorry Max. Dapat ay may client akong kakausapin ngayon.” “Client? You mean nasa office ka?” Ulit niyang tanong na ikinatango ko. “Bakit hindi mo sinabi sa akin na aalis ka? Iniwan mo ang kambal para sa meeting mo?” Halos magdugtong na ang kanyang kilay sa pagtatanong sa akin. “Max, sandali lang naman akong umalis. Saka

