Ang paisa-isang araw ay naging linggo hangang umabot ng isang buwan kaming hindi maayos na nag-uusap. Palagi rin siyang wala. At kung uuwi man siya ay sa guest room siya natutulog. Naroon na rin ang mga gamit niya at hindi lang yun. Kinuha niya si Manang Lenlen na kasambahay nila para mag-asikaso dito sa bahay lalo pa ng mga pangangailangan niya. Kahit hindi na niya inuuwi si Ava dito alam ko magkasama sila. Minsan ko na ring nakita ang lipstick sa kwelyo ng polo niya. Masakit man tiniis ko. Wala akong magawa dahil hindi rin naman ako pwedeng umalis. Pinadagdagan niya ng dalawang guard ang bahay. Nagmistula akong isang bilango dito sa bahay. Paminsan-minsan kinakausap ko si Manang Lenlen pero madalas na nasa loob lang ako ng kwarto. Umiiyak at nagdurusa. Pansin ko din na malaki ang ibinags

