Naglakad lamang ako palabas ng subdivision. Pagkatapos ay pumara ako ng jeep papunta sa bayan. Kailangan kong maghanap ng pansamantalang matutuluyan. Para makapagsimula ulit. Hindi ko alam kung paano pero kung nakaya kong tumayo noon sa sarili ko na walang-wala akong ibang makakapitan. At ngayon kakayanin ‘kong tumayo ulit dahil meron akong naipon para sa sarili ko. Kung patuloy ‘kong iisipin si Max. Baka mabaliw na ako at baka sumuko na lamang ako. Pero hindi pa natatapos ang lahat. Umalis ako at nagparaya dahil yun ang gusto niya. Kahit siya na lamang ang meron ako sa buhay ko. Masakit man sa akin pero kakayanin ko. Dahil alam ko sa sarili ‘kong kaya ko. May mas masakit pa sa pagsubok na ito. Yun ay mawalan ka ng magulang nang sabay. Kung hindi niya nahanap ang importansya ko bilang asaw

