Napatingala ako sa harapan ng mataas na building kung saan kami bumaba. “Anong gagawin natin dito?” Nagtatakang tanong ko sa kanya. “Dito ako nakatira my dear. I’m alone in my condo my isa akong helper pero uwian siya. Kaya pag ganitong oras mag-isa lamang ako. Magpapa-deliver na lamang ako ng food. Para mas mapag-usapan na rin natin ang alok kong trabaho sa’yo.” Paliwanag niya. Naglakad na siya papasok ng building at sumunod na lamang ako sa kanya. Sa unang tingin hindi mo talaga mahahalatang bakla pala siya. Bukod kasi sa maayos naman ang itsura niya at magaling siyang magdala ng damit. Napaka-manly pa ng mukha niya. Pero kapag nagsalita malambot pala. Kakakilala pa lamang namin ay nagawa na niya akong pagtiwalaan at ganun din ako. Sumunod ako sa kanya nang pumasok siya sa elevator.

