"Sinong tinutukoy mo?" tanong ni Theodoro kay Anna kahit na nasa puso na niya ang pangalan ng taong possibleng tinutukoy nito. "Si Jackie Lou," diretsa nitong sagot. Natahimik siya. Hindi niya alam na nararamdaman pala nito ang lihim niyang pagtingin sa kaibigan. "Alam mo, walang kahahatungan ang pananahimik mo," saad ni Anna. "Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya dahil baka 'yon lang ang magiging dahilan para magkasiraan kami," madamdamin niyang sagot. "Anong balak? Itatago mo na lang ang nararamdaman mo para sa kanya habang-buhay?" "Kung 'yon ang mas nakakabuti," hopeless niyang sagot. "Paano ka? Paano ang puso mo?" Muli siyang natahimik. Hindi na niya alam kung ano ang dapat niyang isasagot sa tanong nito. "Masakit makita ang taong mahal mo na mapupunta lang sa iba pero ma

