"Oy, nakangiti siya. Bakit kaya?" Napatingin si Jackie Lou kay Anna dahil sa tinuran nito. Para kasi siyang timang habang nakaupo siya sa harap ng kanyang mesa at nakangiti. Hindi kasi mawala-wala sa isipan niya ang pagyaya sa kanya ni Reymart para sabay silang mag-lunch mamaya. Hanggang ngayon, kinikilig pa rin siya. "Huh? Nakangiti ba ako?" patay-malisya niyang tanong. "Asos! Kunwari pa 'to, oh." "Halata bang nakangiti ako?" Muling napatingin sa kanya si Anna. "Hindi lang halata. Halatang-halata!" sagot naman kaagad nito. "Bakit ka nga ba nakangiti?" seryosong tanong ni Anna. "Huh? W-wala. Masaya lang." "At bakit ka masaya?" usisa pa ni Anna. "Bakit masama bang maging masaya?" balik nitong tanong. "Hindi but I want to know what was the reason why you are happy." "Masaya ak

