"Ikaw pa! Ang lakas mo kaya sa akin," nakangiti niyang sagot. "Ang swerte talaga ng mapapangasawa mo." Muli siyang napatitig dito dahil sa tinuran nito. "Mas maswerte ako kapag ikaw ang mapapangasawa ko," bulong ng kanyang utak. "Ay! Oo nga pala!" bigla nitong tili nang may naaalala ito, "...muntik ko nang makalimutan," sabi nito saka muli itong napatingin sa kanya. "Do me a favor, please," naka-pout nitong sabi with puppy eyes habang nakatingin sa kanya. "Ano?" "Tulungan mo naman akong pumili ng susuotin ko kasi alam kong alam mo kung anong taste ng mga babae ang pasado sa inyong mga lalaki." "Hay, naku! Basa sa'yo na 'yon, Jack. Huwag mo nga akong isali diyan," angal niya rito. "Sige na, please," muli nitong pakiusap. "Sige na nga!" kunwa'y napipilitan niyang tugon. Biglang

