"Hindi ka na ba mapipigilan?" tanong ni Cristy sa kanyang anak habang inaayos na nito ang sarili sa harapan ng salamin. "Nakabihis na ako, ma. So, ibig sabihin nu'n aalis na talaga ako," sagot naman ng binata saka ito humarap sa kanya. "Habang wala ako dito, ingatan mo ang sarili mo. Alam kong nasa iisang bansa lang tayo, pero dahil wala ako sa tabi niyo at hindi kita nakikita bawat segundo, dapat magiging alerto kayo sa kalusugan niyo. Magiging panatag lang ako kapag gagawin niyo 'yon," bilin niya sa kanyang ina. Mapait namang napangiti ang ginang saka siya nito niyakap. "Mag-iingat ka du'n. Kapag nagkaproblema ka, tawagan mo ako o di kaya umuwi ka kaagad," mangiyak-ngiyak na pahayag ni Cristy. Hindi naman ito ang unang beses na malalayo sa kanya ang kanyang anak pero ito kasi ang una

