Napapangiwi si Theodoro kapag nahahawakan niya ang sugat niya sa gilid ng kanyang mga labi dahil sa ginawang pagsuntok ni Reymart sa kanya kanina. Dinama niya ito baka may dugo pa dahil ayaw niyang makita iyon ng kanyang ina dahil sigurado siyang mag-aalala na naman ito sa kanya. Wala na siyang ibang naibigay dito kundi puro problema na lamang. Naglalakad siya pauwi at sandali siyang napahinto nang nadaanan niya ang bahay nina Jackie Lou. Napatingin siya rito sandali dahil baka ito na ang huli niyang mapagmasdan ang bahay ng babaeng minamahal niya. Hindi pa niya alam kung ano ang dapat niyang gagawin pero kung ang paglayo ang tanging paraan para makalimot at maisaayos ang lahat ng gusot ay gagawin niya. Ayaw din kasi niyang makikitang nahihirapan ang kaibigan nang dahil sa kanya. Sana b

