CHAPTER 6

1649 Words
Binuksan niya ang drawer na nasa tabi ng kanyang hinihigaan saka niya inilabas mula doon ang isang maliit na box at binuksan niya ito. Kinuha niya ang isang bracelet na nandu'n. Ito lang ang tanging bagay na iniwan sa kanya ng kanyang tunay na magulang. Kung hindi siguro siya iniwan ng mga ito, ano kaya ang nagiging buhay niya ngayon? Mas mabuti pa ang ibang tao, nasasaktan kapag nakikita siyang nahihirapan pero ang tunay niyang mga magulang, nagawa pa siyang iwanan ng mga ito na parang isang bagay na matapos pagsawaan, itatapon na lamang. Bakit kaya may ganu'ng mga magulang? Matapos nilang magpakasarap, tatalikuran na lamang ang responsibilidad na dapat sana ay hinaharap nila. Hindi aakalain ni Jackie Lou na isa pala siya sa unfortunate child na ibabandona lang ng mga sariling magulang matapos magpakasarap. Naaawa siya sa mag-asawang kumupkop sa kanya kaya pinangarap talaga niyang mabigyan ang mga ito nang magandang buhay. Ang buhay na nararapat sana nilang mararanasan kapalit sa kabutihang loob na ipinapakita nila sa kanilang kapwa lalo na sa kanya. First day niya ngayon sa trabaho, kailangan niyang maagang pumunta para hindi siya ma-late at para na rin hindi siya mapagalitan. "Nak, naka-prepare na ang pagkain mo sa mesa," bungad sa kanya ni Aling Soledad nang madatnan siya nitong nag-aayos ng sarili sa harap ng salamin. "Salamat, Ma," sabi niya nang balingan niya ito ng tingin saka muling itinuon ang atensyon sa salamin. Pagkatapos niyang ayusin ang kanyang sarili ay agad na siyang lumabas ng kwarto at dumulog na siya sa hapag-kainan. "Pa, good morning," bati niya sa kanyang ama na tahimik na ring kumakain. "Morning din," sagot naman kaagad ng kanyang ama. Umupo siya sa gilid nito saka umupo naman sa harapan niya ang kanyang ina. "Kumain ka ng marami para hindi ka gugutumin sa trabaho mo," sabi ni Aling Soledad habang sinasalinan siya ng pagkain sa kanyang pinggan. "Mama, gusto mo lang yata akong patabain niyan, eh," naka-pout pa niyanh sabi. "Walang masama sa mataba, ang mahalaga malusog ka at maayos ang pakiramdam mo sa'yong pangangatawan," singit ni Nardo sa kanyang mag-ina. Napangiti naman si Jackie Lou sa kanyang narinig dahil kahit papaano, okay na ang kanyang ama. "Good morning po." Napatingin silang lahat sa sala nang biglang may nagsalita mula doon. Si Theodoro! "Oy, Theo! Halika ka, dumulog ka na," agad na aya ni Nardo sa binata nang sumilip ito sa pintuan ng kusina. "Salamat po pero katatapos ko lang din po kasing mag-agahan," sagot naman nito. "Sigurado ka ba?" tanong naman ni Aling Soledad. "Opo, Tita," sagot nito na may kasama pang pagtango. "Baka nahihiya ka lang," tugon naman ni Nardo. "Nahihiya? Kapal kaya ng mukha niyan," agad na singit ni Jackie Lou. "Jack?" mahinang saway ng ginang sa anak. "Wala namang manipis na mukha, ah! Lahat makapal," palaban ding sagot ng kanyang kaibigan. "Hay, naku! Kailan kaya kayo magsitigil diyan sa mga biruan niyo?" ani Nardo habang nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa. "Alam niyo ba na may mga tunay na pag-ibig na natatagpuan mula sa biruan?" Napatingin ang lahat kay Nardo dahil sa tinuran nito. "Baka 'yang pagbibiruan niyo ang magiging simula para mahulog kayo sa isa't-isa," dagdag pa nito. "Hindi po mangyayari 'yon, Pa," matigas na tugon ng dalaga. "At bakit?" tanong nang ginang. "'Cause we're just bestfriend," pahayag agad ni Jackie Lou na siyang pumunit uli sa puso ng kanyang kaibigan na lihim na umiibig sa kanya. "Don't worry, Tita dahil kahit mag-isa lang sa mundo si Jackie Lou hinding-hindi ko siya pupulutin," saad naman ni Theodoro kahit pa lihim na pala siyang nasasaktan. Agad itinaas ni Jackie Lou ang hawak niyang kutsara, ang plano'y ibabato niya sa binata ay agad naman siyang inawat ng mag-asawa. "Baka gusto mong maghanap ng ibang masasakyan papunta sa trabaho mo?" baling ni Nardo sa dalaga. Dahan-dahang ibinaba ni Jackie Lou ang kanyang kamay ma may hawak na kutsara saka siya napatingin sa binata na pasimple pa siya nitong kinindatan nang makita nito ang pagtingin niya rito. Ma, Pa. Alis na po ako," pagpaalam ni Jackie Lou sa mag-asawa nang matapos silang kumain at nasa labas na nang bahay pati na rin si Theodoro. "Ingat ka, huh?" bilin naman ng ginang. "Alis na po kami, Tita, Tito," pagpaalam naman ni Theodoro sa mga ito. "Ingat sa pagmamaneho, Theo. Dahan-dahan lang," saad ni Nardo sa binata. Napangiti lamang ang binata sabay saludo. Papasok na sana si Jackie Lou sa loob ng tricycle ni Theodoro ay may nakalimutan siyang sabihin sa kanyang mga magulang lalo na sa kanyang ama kaya muli niyang hinarap ang mga ito at muli siyang lumakad pabalik sa mga ito. "Pa, magtatrabaho ako hindi para sabihin nitong hindi niyo nagampanan ng maayos ang pagiging ama niyo sa akin. Magtatrabaho ako para ipakita sa inyo na hindi kayo nagkakamaling ampunin ako at alagaan na parang isang tunay na anak," madamdamin niyang pahayag. Bahagya siyang lumuhod sa harapan ng kanyang ama at napahawak ang isa niyang kamay sa inuupuan nitong wheelchair habang ang isa naman ay dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay nitong nakapatong sa ibabaw ng mga hita nito. "Wala akong pinagsisihan kung bakit kayo ang naging mga magulang ko," aniya sabay tingala sa kanyang ina na kasalukuyang nakatingin sa kanila at muli niyang tiningnan ang kanyang ama. "Mahal ko kayo. Sana huwag niyong kalimutan 'yon," sabi pa niya saka niya niyakap ang kanyang ama at napayakap din ito sa kanya habang maluha-luha ang gilid ng mga mata nito. Bahagyang napaluhod na rin ang ginang para makisingit sa yakapang pinagsasaluhan ng kanyang mag-ama. Nanatili lamang nakamasid ang binata sa mga ito. This is one of the reasons kung bakit ganu'n na lamang kalalim ang tama niya sa kanyang kaibigan. Bukod kasi sa kagandahan nitong taglay, malinis at maganda rin ang puso nito. Matapos ihatid ni Theodoro ang dalaga ay agad din siyang umalis para mamasada sa loob ng buong araw. Nagmamadali si Jackie Lou sa pagpasok niya at lakad-takbo pa siyang nilalapitan ang elevator pero pagdating niya ay siya ring pagsara nito. "Hay, kung mamalasin ba naman, oh," mahinang usal niya sa kanyang sarili sabay kamot sa kanyang buhok. Pinindot niya ang elevator saka siya naghintay na muli itong magbubukas. "Jack!" tawag sa kanya ng isang boses-babae mula sa kanyang likuran kaya agad siyang napalingon at sa kanyang paglingon ay hindi niya inaasahan ang biglaang pagsulpot ng isang bulto ng katawan ng isang lalaki sa kanyang harapan at hindi niya sinasadyang mabunggo siya sa dibdib nito. Napasubsob siya sa dibdib ng lalaking hindi niya kilala kaya agad siyang napatingala para matingnan ito at ganu'n na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang magtama ang kanilang mga paningin. "Is this for real? Bakit ang gwapo niya?" kinikilig na tanong ng kanyang isipan habang nakikipagtitigan siya sa naturang lalaki. "Okay ka lang? May masakit ba sa'yo?" nag-aalala nitong tanong sa kanya sabay kapa sa kanyang noo at nang dumantay ang kamay nito sa kanyang noo ay nagsimulang nagkagulo ang kanyang dibdib. "God! Bakit lalo siyang gumuwapo sa kanyang ginagawa?" muling tanong ng kanyang isipan. Lumakas ang pagpintig ng kanyang puso habang nakaawang ang kanyang mga labi. Hindi siya makapaniwala na sa unang araw pa lang ng kanyang trabaho, may gwapong lalaki na siyang makikita. "Jack?" muling pagtawag sa kanya ng babaeng tumawag sa kanya kanina na siyang nagpagising sa kanyang nananginip na diwa. Agad siyang napahakbang paatras palayo sa lalaki saka pa siya nakaramdam ng kahihiyan. "S-sorry. Hindi ko sinasadya," paghihingi niya ng depensa habang nakayuko. Napatingin siya sa paa ng lalaki na dahan-dahang humakbang palapit sa kanya at agad siyang nag-angat ng mukha at nakita niya ang muling pagtaas ng kamay nito para muling kapain ang kanyang noo. "Okay ka lang-----"Okay lang po ako." Agad niyang iniwas ang sarili mula rito bago pa man siya tuluyang mawala sa sarili. Kagagaling pa naman niya sa isang break-up. "Anna?" tawag niya sa babae na nakatayo sa likuran ng lalaking nabangga niya at agad namang napalingon sa likuran ang lalaki at napatingin ito kay Anna. "Good morning po, sir," agad na bati ni Anna sabay yuko ng ulo nito bilang paggalang na siyang pinagkunot ng ulo ng dalaga. Tango lang ang naging sagot ng lalaki kay Anna. "Sir?" Napatingin ang lalaki sa kasama nitong babae at itinuro siya nito sa kabubukas lang na elevator. Agad namang pumasok ang dalawa at naiwan sina Jackie Lou at Anna. "Bakit mo siya tinawag na sir?" takang tanong ni Jackie Lou kay Anna nang nakarating na sila sa kanilang department. Inilapag ni Anna ang dala nitong bag habang siya naman ay inaayos ang sariling gamit sa mesang nakalaan para sa kanya. "Siya ay-----"Miss, Aldelar?" Napahinto sa pagsasalita si Anna nang may biglang tumawag sa kanyang isang babae na kapapasok lang sa kanilang department. "Yes po?" "Mr. Salvador wants you to bring all new recruit endorser to the meeting room. He wants to give them an orientation before they can start their respective work," pahayag nito. "Okay po," nakangiti niyang sagot saka agad namang umalis ang naturang babae. "Sino 'yon?" takang tanong ni Jackie Lou. "She's Mr. Salvador secretary," sagot naman sa kanya ni Anna saka nito binalingan ang ibang nandu'n. "Follow me," aniya saka ito lumabas ng department at iginaya sila sa isang room. Napasunod naman si Jackie Lou sa mga ito. "Have a seat, everyone," sabi ni Anna sa kanila. Umupo si Anna sa pinakadulo at tumabi naman dito si Jackie Lou. Sabay silang napatayong lahat nang biglang bumukas ang pintuan ng meeting room at sabay-sabay silang nagbigay galang sa kapapasok lang na panauhin. "Good morning, Mr. Salvador," halos sabay-sabay na sabi ng lahat. "Good morning. Have a seat," saad nito. Nag-angat ng mukha ang dalaga at hindi niya inaasahang mapatingin sa lalaking kararating lang at ganu'n na lamang ang pagkabigla na gumuhit sa kanyang mukha. Napaawang ang kanyang mga labi habang nanlaki ang kanyang mga mata. Ang lalaking nabangga niya kanina doon banda sa may elevator!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD