"Bakit ba ang gwapo-gwapo niya?" lihim na bigkas ng kanyang isipan habang nakaupo na siya sa kanyang pwesto. Bahagya pang nakatukod ang kanan niyang siko sa mesa at nakapatong doon ang kanyang mukha. "Reymart Salvador? Pati ba naman pangalan, seksi ring pakinggan?" Lihim siyang napangiti sa sinabi ng kanyang isipan habang ini-imagine pa rin niya kung papaano siya tiningnan ni Reymart kanina habang nagme-meeting sila Bumabalik sa isipan niya kung papaano ito magsalita at kung papaano nito i-handle ang mga tauhan nito. He's a gentleman. Gwapo at malapad ang dibdib na para bang kaysarap sandalan. Mapuputi at pantay-pantay ang mga ngipin nito na pwedeng gawing modelo sa isang toothpaste commercial. Makisig at matikas. Ang lalaking hinahanap at pinapangarap ng maraming kababaihan. "M

