"Oh pa'no, Jack? Hatid ka na lang namin ni Jonard," sabi ni Anna. As usual, nasa labas uli sila ng kompanya at naghihintay sa kanilang sundo at nang dumating na ang asawa ni Anna na si Jonard ay kusang nag-offer si Anna sa kanya na ihatid na lamang siya ng mga ito sa kanilang bahay. Namumula na kasi ang kanyang paa na natapilok kanina at medyo namamaga na ito kaya nakakaramdam na siya ng kirot kapag ihahakbang na niya ito. "Okay lang ako, huwag kayong mag-aalala sa akin," pagtatanggi niya. Iba kasi ang destinasyon ng mag-asawa kaya nakakahiya naman kung sasadyain pa talaga ng mga ito ang ihatid siya sa kanilang bahay. May kalayuan pa naman ang bahay nito sa kanilang bahay at kung magpapahatid siya sa mga ito, baka malalim na ang gabi bago pa makakauwi ang mga ito sa kanilang bahay. "S

