Nakaramdam nang p*******t sa ulo si Jackie Lou nang magising ang diwa niya kinabukasan pero nanatili pang nakapikit ang kanyang mga mata. Since nakahiga siyang nakatagilid, bahagya siyang gumalaw saka tumihaya sa kanyang pagkakahiga at saka niya dinama ang kanyang noo na medyo kumikirot pa rin sa sakit. Pero napatigil siya nang may kakaiba siyang nararamdaman sa kanyang paligid kaya mabilis niyang inimulat ang kanyang mga mata at ganu'n na lamang ang kanyang pagtataka nang mapansin niya ang isang loob ng kwartong hindi niya alam kung kaninong kwarto 'yon. Mabilis na napatingin siya sa paligid hanggang sa napatingin siya sa kanyang kanang banda saka lang niya nakita ang si Theodoro na nakatingin na rin sa kanya at katulad niya, mukhang nagtataka na rin ito. Napaangat siya ng ulo saka l

