CHAPTER 61

1609 Words

"Ang bruha," inis na usal ng isipan ni Jackie Lou habang nakatingin siya sa dalawa. Lalong naningkit ang kanyang mga mata nang makita niyang hinawakan ni Theodoro ang kamay ni Maika para gamutin ang sugat nito. Sa selos na kanyang naramdaman ay agad siyang lumapit sa mga ito at walang anu-ano'y umupo siya sa pagitan ng mga ito na siyang nagpakunot sa noo ng dalawa pero wala namang nagawa ang mga ito kundi ang umusod na lamang ng konti dahil nasisikipan na sila. "Anong ginagawa mo?" inis na tanong ni Maika sa kanya. Gusto sana niya itong pitikin sa noo pero kailangan niyang umastang mabait dito kaya nakangiting binalingan niya ito. "Gusto ko kasing ako ang gagamot sa sugat mo," sabi niya na may pagdidiin sa bawat katagang lumalabas sa kanyang bibig. Agad niyang inagaw ang cotton na h

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD