Kabanata 5

1208 Words
Maya Tulalang nakaupo ako sa kama. Kakagising ko lang kani-kanina. Hindi ko alam kung anong nangyari pero parang may nakaligtaan ako. Pumikit ako at pilit inalala kung ano ang nakalimutan ko. 'Ano ba kasi ang nakalimutan ko.' Napamasahe ako ng sintido ng bigla itong kumirot. Ipinilig ko nalang ang ulo at tinigil ang pag-iisip. Nang tingnan ko ang oras ay nakita kung mag-aalas dose na pala ng tanghali kaya naman ay dali-dali akong napabangon at tumakbo papuntang banyo. Late na ako sa trabaho! Ba't ba kasi tinanghali ako ng gising? Pagkatapos maligo ay naglakad naman ako papunta sa may lababo para magtoothbrusht at habang nagtotoothbrush ay may napansin akong kakaiba sa may leeg ko. Inanggulo ko ang ulo ko bago kinapa ang parang pulang bilog sa leeg. Napakunot-noo ako. 'Paano ako nagkaroon ng ganito? Wala naman ito kahapon ah? O baka kinagat lang ng insekto habang natutulog ako.' Pinagmasdan ko pa ito ng ilang segundo pero nung maisip ko kung anong oras na ay nagmadali na ako sa pagkilos. Nang makapagbihis na ay naglakad na ako palabas. Napatigil lang noong nasa sala na ako. Tiningnan ko ang nakasabit kung sinampay sa may bintana at nung makita kung kumpleto pa ang mga panty ko ay napahinga nalang ako ng maluwag. Mabuti naman at wala ng nawala. Akala ko mawawalan na naman ako ng panty. Mabuti naman at tumigil na ang taong 'yon. Inilibot ko pa ang tingin sa paligid at nang walang napansing kakaiba ay nagpasya na akong lumabas ng bahay at pumasok sa trabaho. ••• "Maya table 5 daw." Tiningnan ko si Kitty nang magsalita siya. Tinanguan ko naman siya at kinuha ang tray kung saan naroon ang order. Nandito ako sa isang Filipino restaurant at nagtatrabaho bilang waitress. Ito ang pinagkaka-abalahan ko araw-araw. Nang makarating ako sa table 5 ay inilapag ko na ang pagkain. "Enjoy your meal sir!" Ngiti kung sabi, yumuko pa ako ng kunti bago tumalikod at naglakad pabalik sa counter. Ganun lamang ang ginawa ko sa nakalipas na oras. Nakakapagod man ngunit wala akong magagawa dahil 'to lang naman ang trabahong tumanggap saakin, pasalamat pa nga ako dahil nagkatrabaho ako. At saka sakto lang naman ang sinasahod ko para sa pang-araw-araw na gastusin. Itong restaurant na pinagtatrabahuan ko ay kay ate Taya. Regalo ito sakaniya ng kaniyang asawa no’ng kinasal sila. Simula ng lumipat ako sa tinitirahan ko pitong taon na ang nakakalipas ay siya na ang tumayo kung magulang. Pareho lang din kaming kapos sa buhay ngunit sinuwerte siya dahil nakilala niya ang asawa niyang AFAM kaya guminhawa ang buhay niya. At kahit nakapag-asawa siya ng mayaman ay hindi niya padin ako kinalimutan. Kaya malaki ang pasasalamat ko sakaniya. Naglakad ako papasok sa kusina nitong restaurant. Kakatapos ko lang mananghalian. Nakita ko sila Janine at ’yong iba naming kasamahan sa may sulok at nagkukuwentuhan. Sigurado nagchichismisan na naman ang mga ’yan. Napailing na lang ako bago naglakad sa may sink. Narinig ko pang tinawag nila ako ngunit ngumiti lamang ako sakanila at hindi na lumapit. Nang makarating sa lababo ay nakita kong andaming hugasin kaya hinugasan ko nalang ’to. Hindi man ito parte ng trabaho ko pero hindi kasi ako mapakali kapag wala akong ginagawa. "Ako na." Sabi ni Jeric, ang nakatukan sa paghuhugas, at pinigilan ang kamay ko sa pag-abot ng malaking pinggan pero inilingan ko siya at nagpatuloy pa din sa pag-abot ng pinggan. Nagkibit balikat na lang siya at bumalik sa pagkain. Habang naghuhugas ng mga pinggan ay nagtaka ako nang makita ko si kitty na tumitili at tumatakbo sa direksyon ko. "Maya, kailangan mong maghanda." "Huh? Bakit?" Nagtataka kong tanong "Andiyan 'yong fafa mo." "Huh? Sino?" "Ano ka ba naman. Si sir Jherome, nasa labas si Jherome at hinahanap ka!" "S-si Jherome?" "Oo nga teh paulit-ulit?" "B-bakit niya ako hinahanap?" "Aba ewan ko. Hala sige, mag-ayos ka bago mo labasin si sir Jherome. Baka maturn off 'yon pag nakita ka niyang haggard" Tinulak-tulak ako ni kitty sa locker na para saaming mga staff ng restaurant. "Wag kang mag-alala ako ng bahala dito." Pahabol niya bago sinarado ang pinto. Nanginginig ang kamay na hinawakan ko ang pintuan ng locker ko nang makapasok ako. Hindi ko maiwasan ang hindi kabahan. 'Ba't ako hinahanap ni Jherome? Anong kailangan niya?' Si Jherome ang anak ni mayor Rich Gibran. Ang lalaking matagal ko nang gusto—mali mahal pala. Ewan ko ba hindi naman ako madaling mahulog sa tao pero no’ng una ko siyang makita nang nangangampanya palang si Mayor Rich ay hindi na siya mawala sa isip ko. Palagi na siyang sumasagi sa isip ko. Hanggang sa magustuhan ko na siya. Pero kahit ganun, ay hindi ko hiniling na magustuhan din niya ako, dahil magkaiba ang mundo naming dalawa. Nasa itaas siya habang ako ay nakalugmok sa ilalim. Huminga muna ako ng isang beses at pinasya ng lumabas noong makapag ayos ako ng sarili. Well, hindi naman talaga ako nag-ayos ng bongga, naglagay lang ako ng kaunting polbos at liptint para hindi magmukhang hanggard. Pinihit ko ang seradura at lumabas na. Nang makalabas ako sa locker room ay napatigil ako sa paghakbang. Nakita ko si Jherome na nakatayo sa may counter at nakikipag-usap kila Janine. Nakasuot siya ng asul na long sleeve na siyang tinupi niya sa magkabilang braso at itim na trouser sa baba at makintab na pares ng leather shoes. Itinaas ko ang tingin muli sa mukha niya, nakaside-view siya sa direksyon ko kaya naman kitang-kita ko ang kagandahan ng mukha niya. Nakangiti ito habang nagsasalita, ang matangos niyang ilong, ang malinaw na linya ng kanyang panga na parang ang sarap haplosin at ang asul niyang mga mata na kung titingnan ka ay para kang hinihigop ng karagatan pailalim, nilulunod at hindi ka hahayaang makaahon. Hindi ko maiwasan ang hindi tumulala habang nakikita ko siyang nakangiti at nakikipagtawanan na para bang normal na tao lamang siya at hindi anak ng mayor namin dito. Ito ang isa sa nagustuhan ko sakanya. Mabait siyang tao, matulungin at marunong makisama sa kapwa kahit ano pa ang status mo sa buhay. Hindi ka niya titingnan ng may pandidiri hindi tulad ng ibang mayayaman. Minsan ko na nga siyang nakitang nakikipag-usap sa isang palaboy, nakaupo sa maduming sahig at nakikipagtawanan at walang paki sa tingin ng iba. Ilang minuto pa akong nakatayo lang doon at nakatitig sakaniya ng mawala siya sa paningin ko dahil sa taong humarang sa harap ko. Nakakunot ang noo na tiningnan ko ang taong humarang. Nakita ko naman itong nakasimangot at masama ang tingin saakin. 'Problema nito?' "Can you move aside. Nakaharang ka sa daan." Sabi niya at inirapan ako bago naglakad palampas saakin. Nabangga niya pa ng mahina ang balikat ko. Nanlalaki ang butas ng ilong na sinundan ko ng tingin ang lalaking 'yon. Agad itong pumasok sa pinto ng office ni ate Taya. Hinawakan ko ang nasaktang balikat at hinimas. Hindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng inis lalo pa't nakita ko naman na hindi ako nakaharang sa daan—nasa gilid pa nga ako kung tutuosin. 'Sino ba siya sa akala niya? Napakawalang modo! Ang laki-laki kaya ng daan.' Umiling nalang ako at inayos ang sarili at naglakad na papuntang counter. "Oh, ito na pala si Maya sir Jherome." Sabi ni Janine nung mapansin akong papalapit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD