Kabanata 4

1049 Words
Maya Kakatapos ko lang kumain at makapaghugas ng pinagkainan, kasalukuyan akong nakaupo sa sofa at sa kandungan ay naroon ang laptop. Ang kabang naramdaman ko kanina ay bumalik, ramdam ko din ang malalaking butil ng pawis na namumuo sa noo ko. Nanginginig na inangat ko ang kamay ko para pindotin ang 'enter' button. Tutok ang matang pinagmasdan ko ang screen at hinintay na magplay ang video. Nang magplay ang video ay naghintay ulit ako ng ilang minuto dahil wala namang kakaibang nangyayari, sinubukan ko itong iforward hanggang sa makita kona ang hinahanap ko. At kahit madilim ang kuha ng CCTV ay kita ko pa din ang isang bulto ng tao sa kuwarto ko. At gaya nung una ay nakita ko na naman kung paano ito lumitaw sa hangin. Nakasuot padin dito ang hood ng kaniyang kulay itim na jacket. Napakunot ang noo ko at inilapit ang mukha sa screen. Pilit kung inaaninag kung anong ginagawa niya. Nakita ko siyang nagpalakad-lakad sa loob ng kuwarto at ang paminsan niyang pagtingin sa'kin na kasalukuyang mahimbing na natutulog. Ilang minuto pa siyang nagpalakad-lakad nang bigla nalang siyang tumigil at malalaki ang hakbang na naglakad sa direksyon ng kama at halos umawang ang bibig ko at pasukan ng langaw ng bigla niyang kinubabawan ang sarili ko. Habang lumilipas ang bawat minuto ay mas nagiging malala ang nasasaksihan ko sa video. Napatakip ako sa bibig at napaluha nang makumperma ko ang hinala ko. May gumahasa nga saakin. Binitiwan ko ang laptop at napatakip sa mukha. Umuklo ako at inangat ang tuhod para yakapin. Iyak lang ako ng iyak. Hindi ko matanggap na mangyayari saakin to. Napakawalanghiya ng taong iyon! B-bakit niya ginawa saakin ito? Patuloy lamang ako sa pag-iyak at habang umiiyak ay naririnig ko pa din ang bawat ungol ng taong 'yon na parang sarap na sarap, na mas lalong nakadagdag sa nararamdaman kung poot. Kung sino man ang gumawa saakin nito ay sisiguraduhin kung pagbabayaran niya. Magbabayad siya! Diterminadong tumayo ako. Magsusumbong ako sa pulis. Wala na akong pakialam kung anong mangyari sa'kin, ang gusto ko lang ay pagbayaran ng taong 'yon ang ginawa niya. Nagmamartsang naglakad ako papunta sa pinto. At nang pipihitin ko na ang seradura ay napatigil ako dahil sa bagong presensya sa likod ko. "Going somewhere, Amore?" Napatingin ako sa likod ko at halos mapaatras ako dahil sa nakitang taong nakatayo sa likod. Napahigpit ang kapit ko sa seradura dahil sa sumigid na takot. 'Papaano siya napunta sa likod ko. Saan siya dumaan?' "Where are you going, Amore? Hmm?" Ulit niyang tanong. Kaswal lang ang tono ng boses niya na parang walang ginawang kababuyan. Kahit nakakaramdam ng takot ay pilit ko siyang tiningnan ng matalim. Pero kahit anong tapang ang ipakita ko ay kitang-kita pa rin niya ang panginginig ng katawan ko. "Scared ey?" Mas nangatal ang katawan ko nang magsimula siyang humakbang palapit sa’kin. Nabitiwan ko na ang pagkakawak sa seradura at napasandal sa pinto. "H-huwag kang lalapit! S-sisigaw ako!" Nanginginig kong banta at akala ko ay matatakot siya sa sinabi ko ngunit ngumiti lamang siya saakin at mas nilakihan pa ang bawat hakbang. Of course! Ine-expect mo bang seseryosohin niya ang banta mo kung nanginginig ka? Hindi! Balisang napalingon ako pakanan at pakaliwa, naghahanap ng bagay na maaari kong magamit laban sakanya. Nang mahagip ng paningin ko ang walis tambo ay agad ko itong nilapitan, tumakbo ako palapit dito at no’ng abot kamay ko na ay napatili nalang ako dahil sa mga brasong pumulupot sa beywang ko. "Bitiwan mo ako!" Nagpapasag ako pakawala sa kaniyang hawak. Ngunit mas lalo lamang itong humihigpit sa tuwing magpupumilit akong kumawala. Nangingilid na ang luha ko dahil sa nararamdamang takot. "Bitaw sabi! Ano ba! Tulong! Tulongan niyo ako-hmm!" Tinakpan niya ang bibig ko dahilan para mapatigil ako sa pagsigaw. "Gusto man kitang sumigaw, pero hindi sa ganito. I want you to scream when we're at the bed. Writhing with pleasure while I pound on you." Paos na bulong niya. Pinatakan niya pa ng halik ang leeg ko na siyang nagbigay kilabot sa katawan ko. Hindi ko na maiwasan ang hindi umiyak. 'G-gagawin niya ba saakin ulit ang ginawa niya kagabi?' Nang maisip ko 'yon ay umiling-iling ako, nagmamakaawang tiningnan ko din ang taong iyon. "Shh. Don't cry. I'm not going to do that thing to you again okay? But if you like..." Sabi niya na para bang nababasa niya ang isipan ko. Inilingan ko lamang siya at kinagat ang kaniyang kamay at siniko sanhi para makawala ako sa hawak niya. Nang makawala ay agad kong tinakbo ang pintuan at sa pangalawang pagkakataon ay napigilan niya ulit ako. Inilapit niya ang katawan niya saakin kaya naman napiit na ako sa katawan niya at ang pinto na naging dahilan para hindi na ako makawala. "You're so stubborn. I need to punish you." Kasabay ng binitiwan niyang salita ay ang paghawi din niya sa buhok ko pakaliwa. At ang sunod niyang ginawa ay hindi ko napaghandaan. Ibinaon ng taong ’yon ang kaniyang mukha sa leeg ko at huli na para mapigilan ko siya sa kaniyang gagawin. Umawang nang malaki ang bibig ko at napakapit sa pinto ng makaramdam ako ng dalawang bagay na bumaon sa leeg ko. "Ahh!" Hindi ko mapigilan ang hindi sumigaw dahil sa nararamdamang sakit. Hinawakan ko ang ulo niya at pilit tinutulak palayo ngunit masyado siyang malakas. Nanghihinang napakapit nalang ako sa braso niyang nakapulupot sa beywang ko at nagpaubaya nalang. Hinang-hina at tila wala na akong lakas ng tumigil siya. Nanghahapong tiningnan ko siya, nakita ko naman siyang nakatingin din saakin. Nakita ko pa ang pag-agos ng dugo ko sa bibig niya na agad din naman niyang pinunasan at ang mga mata niyang kulay pula na parang dugo. Inilapit niya ang mukha saakin at akala ko kung ano ng gagawin niya kaya napapikit ako at hinintay ang sunod niyang gagawin ngunit naramdaman ko nalang ang malambot na bagay na siyang dumampi sa noo ko. Napamulat ako dahil doon. Nagkatitigan kami. Ang malamlam niyang mapulang mga mata ay nakadirektang nakatutok saakin. "You will not going to remember everything that happened. Sleep now, Amore." Mahinang sabi niya bago pinunasan ang basang pisngi ko. Hindi ko alam kung anong ginawa niya basta bigla nalang nandilim ang paningin ko at kung hindi niya ako hawak at tiyak akong napadaudos na ako pababa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD