Kabanata 3

1154 Words
Maya Tunog ng alarm clock ang siyang nagpagising sa akin. Pikit ang matang kinapa ko ang bedside table kung saan ito nakalagay. Nang mapatay ko ito ay pinasya ko ulit ang matulog. Ewan ko ba pero pakiramdam ko talaga puyat ako kahit maaga naman akong natulog kagabi at nakakapagtakang naunahan ako ng alarm clock gumising, usually hindi pa tumutunog ang alarm ay gising na ako. Pipikit na sana ulit ang mata ko nang bigla akong mapamulat nang maalala kung may trabaho pa pala ako. Napabalikwas ako ng bangon at tiningnan ang oras at nung makita kung mag-aalas nuwebe na ay nagmadali akong bumangon at tatakbo na sana papuntang banyo nang mapaupo ako dahil sa naramdamang sakit sa katawan, partikular sa gitnang bahagi ng katawan ko. Ngayon ko lang din napansing nakahubad ako nang ibaba ko ang tingin sa katawan. Gulat na tiningnan ko ang ibabang bahagi ng katawan at nakita ko ang pinaghalong pula at puting parang malagkit na likidong natuyo dito. May maliliit na pulang marka din akong nakita sa katawan ko. Nang lumingon ako sa kama ay may nakita akong pulang mantsa doon. 'A-anong nangyari?' Ipinikit ko ang mata at pilit inalala ang nangyari kagabi ngunit kahit anong pilit kung umalala ay wala pa din akong maalala, sumasakit lamang ang aking ulo pag pinipilit. Kahit nagtataka pa sa nangyari ay pinilit ko na lang ang maglakad papuntang banyo kahit pa-iika. Ang sakit ng p********e ko, parang binugbog. Nang makarating sa banyo ay agad kong binuksan ang shower at tumapat sa malamig na tubig para maligo. Baka sakaling maibsan ang pananakit sa katawan. Hindi ko alam kung anong nangyari saakin o kung anong nangyari kagabi, ang naalala ko lang ay natulog ako ng maaga dahil may pasok pa ako sa trabaho kinabukasan, kaya paanong nangyari saakin ’to? Paanong masakit ang katawan ko? Ilan lamang ’yan sa mga tanong na umiikot sa utak ko na walang kasagutan. Wala naman akong maalalang ginawa para sumakit ng ganito ang katawan ko lalo na ang p********e ko. Ipinilig ko ang ulo ko ng may ideyang pumasok sa utak ko. Ayokong tanggapin. Paano ko naman kasi tatanggapin kung alam ko namang imposible. 'Pero paano mo maipapaliwanag kung bakit ka nakahubad at masakit ang p********e mo?' Sagot ng isipan ko. Napatigil ako doon. 'Hindi ko alam.' Maliban na lang kung pinasok ako dito habang natutulog. Pero kung ganun nga, maalala ko naman siguro ang nagyari diba? Atsaka sino naman ang gagawa—napatigil ako sa pagkuskos sa katawan ng maalala ang lalaking palaging pumapasok dito sa bahay ko. Hindi kaya. . . Dali-dali kung pinatay ang tubig at nagtapis ng tuwalya at kahit iika ay pinilit ko pading tumakbo palabas. Hinagilap ko ang laptop ko sa kuwarto at noong wala akong makita ay lumabas ako papuntang sala, nakita ko naman itong nakalagay sa sofa. Nilapitan ko ito at binuksan. Nanginginig ang kamay na tumipa sa keyboard ang kamay ko, kinakabahan ako sa maaari kung malaman, dahil baka totoo ang hinala ko. Pinlay ko ang recorded video na kuha ng CCTV. Naghintay pa ako saglit dahil nag loloading pa, at nung magplay na ay bigla namang namatay ang laptop. Napatampal ako sa noo ng maalalang hindi ko nga pala na charge to kagabi. 'Malas! Ngayon pa talaga kung kailan, kailangang-kailangan kita' Wala na akong nagawa kundi icharge ito at maghintay. Bumalik na lang din ako sa banyo at ipinagpatuloy ang pagligo. Nagluto din ako ng pang-agahan habang naghihintay ma full charge ang laptop. Tumawag na din ako sa trabaho ko na maghahalf-day ako. Habang nagluluto ay hindi ko maiwasan ang hindi tumulala. Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng takot. 'Paano kung totoo ang naiisip ko? Magsusumbong ba ako sa pulis? Pero paano kung saktan o ang malala patayin ako noong taong 'yon?' Napahilamos nalang ako sa mukha dahil sa mga naiisip. 'H-hindi naman siguro 'yon—' 'Eh ano maya? Paano mo ipapaliwanag ang nangyari sayo kung bakit ka nakahubad. Isa lang sagot diyan Maya, na rape ka!' Hindi parin nagpapaawat ang isipan ko. Hindi ko na maiwasan ang hindi umiyak. Paano nga kung nagahasa ako? Anong gagawin ko? At paano din kung mabuntis ako? Hirap na nga ako sa buhay tapos magkakaroon pa ako ng anak? Umiling-iling nalang ako at pinunasan ang pisngi. Hindi ko muna yan iisipin sa ngayon, ang importante ay ang malaman ko muna kung anong totoong nangyari kagabi. Pinatay ko na ang gas stove nang maluto ang pinrito kung isda. Inihain ko na ito sa mesa at nang kukuha na sana ako ng pinggan ay napatigil ako dahil sa narinig na katok. Nagtatakang naglakad ako sa direksyon ng pinto. "Sino yan?" Binuksan ko ang pinto at agad napapikit dahil sa liwanag ng araw na tumama sa mukha ko pero hindi nagtagal ay nawala ito dahil sa parang may humarang. Nang buksan ko ang mga mata ay tumambad sa paningin ko ang malapad na dibdib ng isang lalaki. Kaya pala nawala ang sinag ng araw dahil natakpan pala ng taong 'to. Nang tingnan ko ito ay napansin kung nakasuot ito ng white sando at sa baba ay isang itim na short at itim na tsinelas. Napansin ko pa ang tattoo nito sa braso. Dagli kung itinaas ang tingin ng marinig ko siyang tumikhim. 'Nakakahiya ka Maya! Hindi ko na pala napansing pinagmamasdan ko na ang kabuohan niya!' "Magandang umaga." Sabi niya gamit ang malalim niyang boses. Nang itaas ko ang tingin ay nakita ko ang isang guwapong lalaking nakatunghay saakin. Mukha siyang may ibang lahi pero matatas naman ang pagsasalita niya ng Pilipino. Ang gray niyang mga mata ay direktang nakatitig saakin. Nakataas ng bahagya ang kilay niya kaya nagmumukha siyang masungit. Hindi ko maiwasan ang hindi panlambutan ng tuhod sa mga titig niya. 'Bat ba siya nakatitig? At wagas pa kung makatitig para tuloy akong hinuhubadan sa isipan niya psh!' Lumunok ako ng laway bago nagsalita. "M-magandang umaga din. Anong kailangan mo?" Tanong ko at imbes na sagutin ang tanong ko ay sinagot niya din ako ng tanong. "Ikaw si Maya?" Napakunot ang noo ko, nagtataka na ako kung anong kailangan ng gwapong mama nato. "Ako nga. Bakit anong kailangan mo?" Ulit ko sa tanong kanina. "Ipinabibigay ni ate Taya. Gamot daw para sa sakit sa katawan." Inilahad niya ang isang supot na hindi ko napansing hawak niya. Nagtatakang tinanggap ko naman ito. "Huh?" "Diba tinawagan mo si ate kanina, sabi mo hindi ka papasok ngayong umaga dahil masakit ang katawan mo? Kaya pinadalhan ka ni ate ng gamot." Sabi niya na parang ang bobo ko. Napatampal naman ako sa mukha ng marinig ko ang sinabi niya. Oo nga pala tinawagan ko nga pala si ate Taya kanina. "Ah. Sige salamat sa pagdala, sabihin mo din kay ate Taya na salamat." Nahihiya kung sabi. Tumango naman 'yong lalaki at tumalikod na at naglakad patawid sa kalsada. Hinatid ko pa siya ng tingin at no’ng hindi ko na siya makita ay pumasok na ako sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD