"No na, Piper... Just stay there, and I'll sit here watching both of you," wika ni Elise, sabay turo sa bakanteng single-seater sofa na katapat lang nila. Gusto niyang umiwas sa patibong na upuan na 'yon, lalo pa't basa pa ang buhok niya at amoy bagong ligo siya. "No, Mommy! Come, it's so funny. Look!" ang pagpupumilit ni Piper, sabay simangot at hila sa laylayan ng T-shirt ni Elise gamit ang libre nitong kamay. "Please, Mommy Elise?" Dahil wala nang nagawa si Elise sa tindi ng puppy eyes ng bata, napabuntong-hininga siya at dahan-dahang umupo sa maliit na espasyo sa pagitan nina Kyler at Piper. Sa sobrang sikip, halos makasandal na ang likod niya sa matigas at malapad na dibdib ni Kyler. Naamoy niya agad ang panlalaking pabango nito na humalo sa amoy ng bagong ligong sabon niya. Upang

