"Opo, Mommy Elise!" masiglang sagot ni Piper. Agad na tumayo ang bata at nagsimulang pulutin ang kanyang mga nakakalat na laruan para ilagay sa toy box. Natutuwa naman si Elise na pinapanood ito—napakalaking tulong talaga na madaling turuan at masunurin si Piper. Pagkatapos mag-ayos, magkahawak-kamay na umakyat ang dalawa sa ikalawang palapag ng mansyon. Inihandog ni Elise ang bata sa silid nito, kung saan nadatnan nila ang yaya ni Piper na abalang nag-aayos ng mga gamit na dadalhin para sa play school bukas. "Ya, pakilinisan na si Piper. Pawis na pawis po," bilin ni Elise sa yaya habang hinahaplos ang likod ng bata. "Parating na rin si Kyler." "Sige po, Ma'am Elise. Ako na po ang bahala rito kay baby," nakangiting sagot ng yaya, sabay lapit kay Piper para dalhin ito sa banyo. Nang ma

