"Elise, puwede ba tayong mag-usap nang maayos?" pormal ngunit malumanay na wika ni Kyler. Napatigil si Elise sa pag-aayos at nag-angat ng tingin. Napataas ang isang kilay niya. "Luh, parang hindi mo ako nakakausap nang maayos, ah? Sa tono ng pagkakasabi mo,"sarkastikong tugon ng dalaga," pilit na ibinabalik ang kanyang pader ng depensa. Tiningnan lang siya ni Kyler. Sa halip na mainis sa pabalang na sagot ni Elise, walang kahit anong bakas ng galit sa madidilim na mata nito—kundi isang tahimik at sinserong pagsusumamo. Ang kilala at kinatatakutang bilyonaryo ay tila ba nagmamakaawa ng kaunting oras at atensyon niya. Nakagat ni Elise ang kanyang ibabang labi. Unti-unting natutunaw ang natitira niyang inis sa pambihirang ekspresyong iyon ng abogado. Napabuntong-hininga na lang siya at na

