DREYDON POV ALA SAIS pa lang ay nagising na ‘ko dahil gusto ko ulit ipagluto ang mag–ina dahil nakita ko sa CCTV kahapon na nakakain ang anak kong si Colton. Masama ang pakiramdam ko, pero ayoko ring magmukmok dito sa kuwarto ko dahil lalo akong nanghihina. “Ba’t ‘di ka na lang magpahinga, Boss, kaysa pinahihirapan mo ‘yang sarili mo. Look at you, lapnos ‘yang dibdib mo’t mahapdi ‘yan. Pero sabi naman ng pinagbilhan ko niyan ay 3 days ay tuyo na ‘yan dahil mahal, eh. Kaso’y hindi ka pa sana kumilos dahil nandito nman ako,” nag–aalalang saad sa akin ni Jandi. “Kaya ko namang kumilos. At isa pa’y gusto kong pagsilbihan sina Margarette at Colton, kaya okay lang,” ngiti ko. “Bahala ka, Boss. Pero ang tapang ng Ex–wife mo dahil oras lang akong nawala ay gan’yan na nangyari sa ‘yo. Mabuti

