“Talaga? Sinasaktan mo sarili mo sa tuwing napapaiyak mo ‘ko? Parang hindi naman ‘yan kapani–paniwala dahil hindi ka naman gan’yan dati,” umiiling na saad ko kay Dreydon dahilan upang lingunin n’ya ‘ko. “Nagbabago ang tao, Margarette. At may karapatan siguro akong magbago dahil tao rin lang akong nagkamali, at itinatama ko na ang pagkakamali kong ‘yon,” pahayag niya, sabay buntong–hininga. Tumaas ang kilay ko. “Oo nga na lahat ng tao ay may karapatang magbago, Dreydon. Pero ikaw ay gan’yan ka na.” “Nasasabi mo ang bagay na ‘yan dahil galit ka sa akin. Pero lahat ng mga nakikita mong ginagawa ko’y totoo ang mga ito. At hindi ko itataya ang pangalan ko kung hindi pa rin ako nagbago,” maawtoridad na sambit niya, kaya sa inis ko’y idiniin ko ang pagpahid ko ng cream sa sugat niya. “Ouch!

