MARGARETTE POV “Ma’am Margarette,” tawag sa akin ni Jandi dahilan upang lingunin ko ito. “Anong ginagawa mo rito sa balkonahe nang ganitong oras tanong pa nito sa akin. “May nakita akong lala—” hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil wala na ang lalaking nandito sa terrace kanina. “Na–Nasasaan na siya?” takang sambit ko. “Sino ba tinutukoy mo, Ma’am Margarette? Wala naman akong nakikitang tao rito,” kunot noo na wika nito. “May lalaki rito kanina, Jandi. Nakita ko siyang nakatalikod at nakatanaw sa dagat. Kaya hindi ako puwedeng magkamali na may kasama ka rito at nagtatago lang,” gagad ko. “Mag–isa ko lang ditong lalaki, Ma’am Margarette, kaya pa’no mo nasabi na may lalaki riyan sa balkonahe?” untag nito. Naglkad ito palapit sa akin at nilibot ang buong terrace. “Wala naman akon

