MARGARETTE POV “Anong ginagawa mo riyan, Ma’am Margarette? Pumasok ka na sa loob dahil baka lumabas ang malaking ahas,” utos sa akin ni Jandi dahilan upang kumunot ang noo ko. “Malaking ahas? Ang taong ‘yon ba ang malaking ahas na sinasabi mo, ha? Iyon ba?” turo ko sa lalaking nakatayo sa may bato. Bigla kasi itong tumalikod, samahan na nakasuot ito ng sumbrero. “Hindi, Ma’am Margarette. Sige na ho at sa loob ka na at maya–maya ay magdi–dinner na kayo ng anak mo,” saad pa nito, pero hindi ko ito pinakinggan, kundi ay muli kong tinanaw ang lalaking nakatayo sa bato, pero bigla itong nawala dahilan upang kabahan ako. “May multo ba rito, Jandi? Dahil kung mayro’n man, sabihin mo sa boss mo na matakot na dahil sinusundo na siya,” sarkastiko na sambit ko. Iniwan ko na ito at bumalik na ‘

