“Handa na po ako, Itay. Sa tagal naming hindi nagkita ni Dreydon ay marami na ang nangyari. Kaya hindi na dapat ako matakot sa kanya dahil hindi na ako si Margarette na inaapi–api, at nagpapa–api noon dahil palaban na ‘ko ngayon,” maawtoridad na pahayag ko dahilan upang pumalakpak si itay, at napapailing naman si inay. “That’s my daughter. And after the masquerade party ay tayo naman ang magpa–party dahil next month na mag–o–open ang Velasquez group of incorporation. At ipakikilala na kita sa mga negosyante bilang anak ko,” may pagmamalaking pahayag ni itay, kaya naman lumapad ang ngiti ko. “Ba’t hindi na lang tayo mag–celebrate nang tayo lang, Gustavo? Alam mo namang hindi kami sanay ni Margarette sa mga okasyon na kasama ang kapuwa mo negosyante,” segunda naman ni inay. “Wala ka

