“Soon po, Mama,” tugon ko. “O, siya at inumin mo na ‘yan para makapagpahinga ka na,” ngiti rin nito. Inubos na namin ang gatas, at inihatid ako sa kuwarto ko. “Kung may kailangan ka, magsabi ka lang. Pahinga ka na, at sa taas na ‘ko,” saad nito at niyakap ako. Pumasok na ‘ko sa loob ng kuwarto, at isinarado ko na ang pinto. Nagsuot ako ng panty at humiga na ‘ko sa malambot na kama, at kalaunan ay nakatulog na ‘ko. Nagising ako nang maaga dahil ako mismo nagluto ng almusal. Papasok din ako ngayon, at mabuti na lang na may gamit ako sa kuwarto ko. “Ihahatid kita sa unibersidad ngayon, Margarette,” maawtoridad na sambit ni Dreydon nang umupo siya, kasunod sina mama at papa. “Mabuti na rin na mabait ka na sa asawa mo, Hijo. At sana nga’y tuloy–tuloy na ‘yan nang hindi na kami laging

