“Ump!” usal ko’t sa inis ko’y pinagpapalo ko si Dreydon, ngunit hindi siya natinag, kaya mariin kong kinagat ang labi niya dahilan upang bitawan niya ang labi ko. “Ouch!” ngiwi niya’t nagdugo ang labi niya. “Kulang pa ‘yan, Dreydon dahil bastos ka!” asik ko’t itinulak ko siya nang malakas dahilan upang mauntog siya sa pader, at patakbo kong tinungo ang pinto’t binuksan ko ‘yon nang makita kong wala ang kotse ko rito. “Nasa’n ang sasakyan ko, Dreydon! Nasaan!” inis na saad ko. “Pumutok ang gulong ng kotse mo, kaya pinadala ko sa pagawahan. At hindi ka rin makakauwi ngayon dahil malakas pa ang ulan. Isa pa’y basa lahat ng suot mo,” mahinahon na pahayag niya, kaya naman naikuyom ko ang kamay ko. “Ihahatid kita mamaya, pero pahintuin muna natin ang ulan, at humigop ka muna ng sabaw,” saad

