“And what the hell are you doing here? Imbitado ka ba rito, ha? Ang alam ko’y hindi belong dito ang katulad mong cheap? Oh! Juntis ka? At sino naman ang ama? Don’t tell me na nagpabuntis ka sa tambay,” tumatawang saad ni Diana sa akin dahilan upang taasan ko ito ng kilay. “Paki mo ba kung kanino ako nagpabuntis? At saka nag–iimbita pala ng malanding babae si Madam Deogracias dito. Ang pagkakaalam ko kasi ay mga matitinong tao lang inimbitahan niya,” sarkastiko na sambit ko, kaya naman inambahan ako nito at mabilis namang hinawakan ni Vince ang braso nito. “Don’t you dare touch my woman,” maawtoridad na wika ni Vince, at pabalyang binitawan ang kamay ni Diana at umakbay siya sa akin. “At sino ka namang lalaki ka, ha? Don’t tell me na ikaw ang nakabuntis sa babaeng ‘yan?” gagad ni Dia

