DREYDON POV “HI–HINDI ba kayo nagbibiro, Dr. Rosales?” hindi makapaniwalang sambit ko. Pakiramdam ko’y bibigay ang tuhod ko dahil nangangatog ito. At humawak ako sa poste dahil baka matumba ako. “Yes, Mr. Delgado. Hindi ako nagbibiro na anak n’yo si Colton. A bukas ay idadaan ko ang resulta sa bahay n’yo,” imporma nito. At pinatayan ako nito ng tawag. Para tuloy akong tuod dahil hindi ko magawang ihakbang ang paa ko para habulin si Margarette. “Mr. Delgado,” tawag sa akin ni Mr. Dela Torre. At lumapit ito sa akn. “May problema ba kayo ni Ms. Velasquez dahil bigla na lang siyang umalis?” takang tanong pa nito. “Mayro’n lang kaming hindi pagkakaunawaan ni Margarette, Mr. Dela Torre. Siguro’y hindi lang niya nagustuhan ang sayaw, kaya umalis na siya. Isa pa’y alam naman natin na engag

