“f**k you, Delgado! f**k you” sigaw ni Vince na mabilis na lumapit sa amin at inundayan si Dreydon ng suntok dahilan upang bumagsak siya sa semento. “Masama bang halikan ang naging akin, Montelibano?” ngising nakaloloko ni Dreydon, kaya naman muli siyang sinuntok sa mukha ni Vince. “Tama na, Sweetie at baka matamaan mo sugat niya,” kinakabahan na sambit ko. “Walang akong pakialam sa putang inang sugat niyang ‘yan, Margarette! Ang dami na nga niyang kalmot ay gusto pa niyang dagdagan ko ng pasa. Kaya bumangon ka riyan, Delgado kung ayaw mong basagin ko ‘yang pagmumukha mo,” asik ni Vince. Ngumisi na naman si Dreydon, at dahan–dahan siyang bumangon. “Natatakot ka ba na baka bawihin ko sa ‘yo si Margarette, Montelibano? Remember that she was my ex– wife.” Tumaas naman ang kilay ni V

