DREYDON POV “Maghintay ka, Margarette! Maghintay ka! Dahil alam kong ikaw lang naman ang puwedeng sumabutahe sa ginawa kong DNA test na ‘yon. I’ve change a lot, pero bakit! Bakit!” inis na kausap ko sa aking sarili. Halos paliparin ko ang kotse ko makarating lang agad sa Favs dahil tiyak kong magsasara na sila. Ngunit hindi pa man ako nakabababa ay bumuhos ang malakas na ulan. “Shít!” inis na sambit ko. Pero wala akong pakialam kung ulan man! Bumaba na ‘ko’t tinungo ko na ang Favs nang mabilis na isinarado ng staff ang glass door. “Margarette!” sigaw ko’t pinaghahampas ko ito. “Alam kong naririnig mo ‘ko, Margarette, so open this fuckíng door!” gagad ko. Basang–basa na ‘ko ng ulan, pero ang mahalaga sa akin ay makausap si Margarette ngayong gabi. “Margarette,” muling tawag ko’t

